Time and time again we have proven that when Filipinos are on the comment box, be sure to LOL. This time these commenters were asked by famous online sensation Senyora Santibanez for their hilarious memories when they were younger. The comments overflowed but these were the ones that made us lose breath and fall off our seats.
10. Streetfood pa more:
9. Ok ba laruan mo?

8. Ibang level.


7. Jempot pa more!


5. Sobrang thoughtful niya.
4. Ilan bibilhin mo?
![]()
3. Binalik mo ba?

1. Kanino niya iaabot?
HAHAHAHAHA!
What about you? Do you remember a time you were as clueless as they were? Share them with us!




naalala ko nung Dumalaw kame sa Namatay Naming Kamag Anak.. di kame pamilyar sa lugar kase 1st time namin pumunta kaya nagtanong nalang kame kung nasaan ung teacher na namatay . tapos may nagturo samin kung saan.. tapos un nandun na kame sa may lamay..
Nasa loob pa lang kame ng kotse umiiyak na ung mga tita ko.. Sobrang Emosyon.. di na nila napansin ung pangalan… tapos pumasok sila sa loob ng bahay tapos pumunta sa tabi ng Kabaong.. nasa loob lang ako ng kotse.. tanaw ko naman sila..
tapos kwento ni mama sakin. Ung tita ko daw sinabing di daw un ung kamag anak naming namatay.. kaya pala ganun nalang ung tingin samin ng mga nakikilamay..
Tapos lakad sila pabalik ng kotse habang nagpupunas ng luha at pinipigilang tumawa… tapos pagpasok sa kotse.. Tawanan Lahat eh.. Mongoloid eh..
Naalala ko dati nung first year high school ako, kumain ako sa food court ng isang mall, first time ko umorder sa sizzling plate. nung binigay na ng crew yung order ko. hindi ko alam na yung kahoy pala ang kakapitan pero yung bakal ang kinapitan ko. punyeta napaso ako. tumapon yung order ko nakakahiya. hahaha. Bopols.
Naalala ko noon grade 5 ako, Year 2004 pa yun. gusto ko mag pagupit, sinamahan ako ni papa sa palengke para mag pagupit.Ehh.. kala ko sasamahan pa ako ng papa ko sa barbero. Yun iniwan nya ako mag isa. So tinawag na ako ng barbero. Pinaupo nya ako sa mahiwaga nyang upuan. Tapos tinanong nya ako kung ano daw gupit ko. (ang nasa isip ko eh yun gwapo ako tignan. Kaso hindi ko alam kung ano gupit yun. Bigla ko naisip yun sinabi ng pinsan ko na maganda gupit. Kaso hindi ko mabigkas ng maayos.) Nasabi ko sa barbero eh “SineCalvo” (semikalbo). Then tinanong nya ako ulit kung may bangs daw or wala. Hindi ko alam kung ano yun bangs. So sinabi kong wala. Kaya hinanda nya yun razor nya. (pinikit ko yun mata ko para surprise.) Naramdaman ko yun razor simula sa bangs hanggang sa likod. Napadilat agad ako, at parang gusto kong umiyak. (demn!!)
Natapos na ako ginupitan. Dumating yun papa ko. Bigla na lang siya napatawa, dahil mukha daw ako siopao. Kahit sa school Siopao tawag nila sa akin. Simula nangyari yun. sinumpa ko sa buong buhay ko hinding hindi na ako magpapakalbo kahit kailan.
Valentines day, nakapila kami sa food stall para bumili ng lunch tapos topic namin about flowers etc. Nung ako na nasa pila tanong ni ate “Ano sayo kuya?” ang lalim pa ng isip ko non sabay sabing, “Isang rose ate” sabay tingin saken ng kasama ko at ni Ate. Sagot niya “Wala kami rose dito eh.” Sabay ngisi, tawa din yung kasama ko. Kamote kasi, sasabihin ko dapat isang kanin habang iniisip yung topic namin sa roses napaghalo ko. Laugh trip kami pag balik ng office.
Ako Habang nkapila nung high school flag ceremony biglang tugtog ng national anthem sa halip na ilagay sa dibdib ang kamay napasign of the cross ako.. (Mapapatawa ka sa sarili mo Pgkatapos mapapatingin ka nalang sa paligid if may nkakita ba)