Paglalakbay Tungo sa Kulturang Mapagpayaman at Politikal na Kamalayan

Sa papalapit na eleksyon ngayong Mayo, taong kasalukuyan, nagkaroon ng malalim na pagkilatis tungkol sa iba’t-ibang lente ng politika—mga pananaw na batay sa karanasan, paniniwala, at kinalakihang kultura ng mamamayan. Bilang pakikiisa sa diskursong ito, nais ng PUP-Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino—isang akademikong organisasyon sa ilalim ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na naglalayong maipabatid, mapalaganap, at mapaunlad ang sikolohiyang malaya, mapagpalaya at mapagpabagong isip sa loob at labas ng akademya—na ilunsad ang Cultural Night 2025. Naniniwala ang organisasyon na ang pagbibigay pansin sa pagsasakatutubo ng mga gawi sa sikolohiya ay magpapalalim sa pagkaunawa ng isang Pilipino sa kanyang sariling pagkakakilanlan, kamalayang tungo sa pagkilala sa lakas ng kolektibong hakbang at malalim na pakikipag-ugnayan sa lipunan.

IMG 5352

Ito ay pinamagatang “SILAKBULAN: Tinig ng Kultura sa Kapistahan ng Pithaya.” Ang tema ay hango sa mitolohiya ng Bakunawa, isang kawangis ng malaking ahas na kumain sa anim na pitong buwan na ginawa ni Bathala. Nang tangkain nitong kainin ang natitira, nag-ingay ang mga tao upang itaboy ito, dahil ingay ang kahinaan nito. Alinsunod sa kaganapan, ang Bakunawa ay papalitan ng buwaya, ang sumasagisag sa katiwaliang namamayagpag sa gobyerno. Ang SILAKBULAN ay pinagsamang silakbo—matinding pagpapahayag ng damdamin—at bulan—salitang Cebuano para sa buwan—na sumisimbolo sa kalakasan ng kolektibong tinig ng mamamayan upang maisaayos ang lipunan at pagkilala sa kulturang pinagmulan ng kwentong Bakunawa. Ito ay gaganapin sa ika-9 ng Mayo sa PUP Itech AVR.

“Ang Tinig ng Kultura sa Kapistahan ng Pithaya” ay sumisimbolo sa esensya ng kaganapan. Ang tinig ng kultura ay tumutukoy sa Unang Parte ng Cultural Night—ang pang-akademikong programa na magiging instrumento upang mapag-usapan ang politikal na kultura sa Pilipinas, partikular sa pag-uugali ng mga Pilipino tuwing nalalapit ang eleksyon. Inaasahang maging tagapagsalita sa kaganapan si Prop. Jay A. Yacat, ang kasalukuyang Tagapangulo ng Departamento ng Sikolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Bilang mananaliksik sa larangan ng katutubo at kultural na sikolohiya, may malalim siyang kaalaman hinggil sa tema ng diskurso. Ang parteng ito ay bukas para sa mga mag–aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas – Main Campus at mga kabahaging organisasyon, mula 8:00 n.u. hanggang 12:00 n.t.

Samantalang ang kapistahan ng pithaya ay tumutukoy sa masining na pagdiriwang sa Ikalawang Parte—ang pagtatanghal ng mga talento katulad ng pagkanta, pagtula, pagsayaw, at iba pa ng mga piling tao sa Bukluran. Ang salitang pithaya, na may kahulugang matinding hangarin o ambisyon, ay ginamit upang bigyang liwanag ang hangaring maipakita ang kulturang mayroon ang Bukluran. Samantala, ang parteng ito ay eksklusibo lamang para sa mga miyembro ng organisasyon.

Sa kabuuan, nais iparating ng SILAKBULAN ang katotohanang lahat ay may boses at pinipithaya. At sa inaasahang pagkakabuklod-buklod para sa Cultural Night, mas maipapakita ng mga kasapi ang kanilang kolektibong pithaya na matutuhan at makilala ang kultura ng pulitika sa bansa.

Ang kaganapan ay binigyang buhay dahil sa pagsisikap ng tagapamuno, sa gabay ng ehekutibong komite, sa walang sawang dedikasyon ng mga miyembro ng organizing committee—lupon pang-edukasyon at pananaliksik, lupon ng pagsasanay at pagpapaunlad, lupon ng dokumentasyon, lupon ng publikasyon, lupon ng pananalapi, at lupon ng ugnayang panlabas—at higit sa lahat, sa pagkakataong inilaan ng PUP-Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino.

Pinasasalamatan ang:

Philippine League of Sociology Student – PUP

PUP Economic Research Society

Ito ay handog sa inyo ng:

UMAK Psychology Society

National University Psychology – Manila

University de Dagupan – Psychology Society

Association of Competent and Aspiring Psychologists

Cuppa Java

Doña Teresa

Ibinabahagi ng:

Now You Know PH

WhenInManila.com

Para naman sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa Cultural Night 2025, maaari itong malaman sa mga sumusunod na social media accounts:

Facebook: @BSPUmalohokan

IG: @bspumalohokan

Twitter: @BSPUmalohokan

WHEN IN MANILA

WIM IN DAVAO

WIM IN THAILAND

WIM IN KOREA