Circulating on Facebook right now is this photo of a Quarterly Exam for a Filipino class in a school in Quezon City. The first part of the exam seems to be a “Reading Comprehension” test with a paragraph about GMA’s hit TV skit on Eat Bulaga called “KalyeSerye” starring Yaya Dub, Alden Richards, Lola Nidora and more.
It gives a brief description on what the hit TV skit is about and the achievements it obtained on social media and television. Followed by questions about the student’s comprehension on the reading.
Do you think it is appropriate to have school material of this sort? Let us know what you think!
Kung Pastillas girl kaya ang ginamit ni teacher sa reading comprehension nya? Kung ang ginamit kaya ay ang mga comment ni vice ganda? Wala na bang ibang pwede pagkunan ng magiging topic? Parang tsismis lang kasi na pinabasa sa mga mag aaral. Sa susunod sana e yung magandang topic naman at kapupulutan ng tamang aral.
kaya nga hindi umaasenso ang pilipinas diba, kasi binabale wala lng, kasi nga reading comprehension lang.. hasa-in kasi habang bata pa, daming documentaries jan..Napakalawak ng youtube para lang sa mainstream channel.. hanggang dun nlng ba? bat di kaya magprovide ng film showings yung mga school about innovations? hndi puro eat bulaga nalang mula sa bahay hanggang sa skwelahan..
This has gone too far -_-
Basahin kasi muna bago mag-opinion. Kung titignan niyo PAANO ginamit ang Aldub, standard comprehension test lang naman. Para lang siyang balita sa dyaryo, tapos tatanunin lang ang mga bata ng mga detalye tungkol sa article. HIndi naman siya ginamit bilang quality storytelling o source of academic knowledge. SKILL TEST po ito, hindi CONTENT ang goal.
.,.,nakakaranas din ako ng pagkakadikit dikit ng mga salita dahil kapag naifinalize ko na sa laptop ko yung document na ginagawa then I saved it sa flashdrive para maiprint sa labas. Kapag iniopen dun para iprint na, without checking again, nagkakaron ng pagkakabit kabit ng ilang mga salita. Kaya typo errors ang result. Anyway, may nakalagay naman na ”basahin at unawaing mabuti” sa panuto sa exam ni teacher. Sabi nga, “walang maling talata, sa taong magaling umunawa”.
Thumbs up lang ako sa teacher na gumawa nito, creative yung exam, hehe.