Hapag ng Kulay Art Exhibit Celebrates Filipino Food and Culture This April

Ngayong Abril, ang sarap ng pagkaing Pilipino ay hindi lang matitikman kundi makikita rin sa mga obra sa pagbubukas ng Hapag ng Kulay art exhibit. Bilang pagdiriwang ng Philippine National Food Month, gaganapin ang eksibisyong ito sa LRI Design Plaza mula April 4 hanggang April 30, 2026. Mula sa makulay na palengke hanggang sa usok ng boodle fight, ipinapakita ng bawat painting ang malalim na koneksyon ng ating panlasa at mga alaala.

UPDATED POSTER HAPAG

Ang proyektong ito ay pinangunahan nina lead organizer Arvino Yanuario at co-organizer Rene “MD” Dominguez. Tampok dito ang iba’t ibang artists na gumagamit ng simbolo at abstraksyon upang muling buhayin ang init ng kusina at saya ng pagsasalo ng pamilya. Ang espesyal na Opening Night sa April 8 ay strictly by invitation only, kung saan panauhing pandangal ang sikat na food curator at author na si Mr. Guillermo “Ige” Ramos. Para sa mga nais bumisita, magkakaroon din ng Arts & Craft at Food Bazaar sa venue simula sa April 17.

Leave a Reply

WHEN IN MANILA

WIM IN DAVAO

WIM IN THAILAND

WIM IN KOREA