UP Repertory Company Presents Short Shorts 2: Barangay Kapalaran

Ginagambala ka ba ng iyong magiging kapalaran?

Inihahandog ng The UP Repertory Company ang Short Shorts 2: Barangay Kapalaran, isang laboratory anthology production na binubuo ng apat na maiikling dula mula sa iba’t ibang manunulat at direktor. Bilang ikalawang iteration ng taunang Short Shorts, pinalalalim ng produksyong ito ang papel nito bilang espasyo para sa bagong boses, mapangahas na anyo, at kolaboratibong paglikha sa teatro.

UPDATED SS2 MAIN POSTER WITH WHEN IN MANILA LOGO 1

Mula Cubao noon hanggang Quiapo ngayon, patuloy na inilalapit ng Short Shorts ang teatro sa komunidad, hindi lamang bilang pagtatanghal, kundi bilang pakikipagdayalogo. Sa pamamagitan ng magkakaibang estilo at kuwento, binibigyang-lakas nito ang mga naratibong madalas nasa laylayan at itinutulak ang mas kritikal na pag-unawa sa kontemporaryong karanasan ng mga Pilipino, mga kuwentong puno ng pangarap, pakikibaka, at patuloy na paghahanap ng lugar sa lipunan.

Mapapanood ang Short Shorts 2: Barangay Kapalaran sa June 22, 23, at 24 sa ganap na 2 PM at 6 PM sa UP Diliman Gender Office, Benton Hall, UP Diliman.

Tampok sa produksyon ang mga sumusunod na dula:

Karinderya ni Helen ni Jericho Ocampo, sa direksyon ni Amber Rojas
Sa isang karinderya sa Carriedo, pilit pinanghahawakan ni Helen ang kanyang kabuhayan at mga alaala habang unti-unting nagbabago ang kanyang paligid at nalalagay sa panganib ang maliliit na negosyo.

Tinderella ni Seah Antalan, sa direksyon ni Benedict Barcella
Sa gitna ng buhay-palengke sa Quinta Market, sinusundan ang iba’t ibang karakter na nakikipagsapalaran sa araw-araw habang nahaharap sa mga usapin ng pananampalataya, kahirapan, at pulitika.

Pilar Pilapil ni Pat Javier, sa direksyon ni Dwyt Geronimo
Sa mundo ng gay pageants sa Quiapo, nagbabanggaan ang mga pananaw sa identidad, henerasyon, at pagkababae habang hinahanap ng mga tauhan ang pagkilala at lugar sa kanilang komunidad.

Sa Labas ng Parlor ni Gio Potes, sa direksyon ni Roi Villamayor katuwang si Uel Bustamante
Sa isang interaktibong monologo, ibinabahagi ni Eba ang kanyang mga alaala ng karahasan at militarisasyon, na nag-uugnay sa personal na karanasan at kolektibong pakikibaka ng komunidad.

Para sa tickets, reservations, at inquiries, maaaring sagutan ang reservation form: https://forms.gle/V5AVixvifU3GbmXWA

Para sa iba pang concerns, maaaring makipag-ugnayan kay Rane Villamor sa 09669570606.

Tara sa Quiapo, Barangay Kapalaran?

Leave a Reply

WHEN IN MANILA

WIM IN DAVAO

WIM IN THAILAND

WIM IN KOREA