Ang buwan ng Marso ay itinakdang โInternational Womenโs Monthโ ng United Nations dalawang taon mula nang una itong ginunita noong ikawalo ng Marso taong 1975. Gumawa ang Kabuuang Asembliya ng resolusyon na nagpapanukala na gawing United Nations Day for Womenโs Rights and International Peace ng mga kasaping bansa ang kahit anong araw ng Marso, alinsunod sa kanilang kasaysayan at mga tradisyon (History of International Womenโs Day, 2015). Layunin nitong dakilain ang mga naging papel ng kababaihan mula sa ibaโt ibang antas ng buhay sa kasaysayan ng Pilipinas (at ng kababaihan mula sa ibaโt ibang parte ng mundo) sa mga larangan ng sining, pulitika, ekonomiya at iba pa. Ngayong taon, ang sumusunod ang pangunahing mga layunin ng pagdiriwang ng Womenโs Month sa Pilipinas na may temang, โJuana, Desisyon Mo ay Mahalaga sa Kinabukasan ng Bawat Isa, Ikaw Na!โ (2015 National Womenโs Month Celebration, 2015):
- kilalanin at bigyang parangal ang mga naging kontribusyon ng mga kababaihan sa larangan ng pulitika at pamamahala;
- palawakin ang kamalayan ng mga kababaihan ukol sa kanilang karapatang lumahok sa pagpapasya at pagbuo ng polisiya; at
- ipamahagi ang mga paraan at gawi na naging dahilan ng tagumpay ng mga kababaihang lider.
Nais paghambingin ng sampaksaan ang paglalarawan ng mga kababaihan sa mga katutubong epiko, kasaysayan, literatura at sa mga kontemporaryong representasyon ng kababaihan sa midya. Ang mga katutubong epikoโ bagamat maaaring kathang-isip, ay sumasalamin pa rin sa kultura at kalagayan ng sinaunang lipunang Pilipino at kalagayan ng kababaihan dito.
Ang sampaksaang, โKakaibabe: Depiksyon ng Kababaihan sa Epikong Pilipinoโ ay nakabatay sa mga disiplinang Agham tao, Kasaysayan, at Agham Pampulitika. Nais nitong humikayat ng pagbabago sa pagtingin at pagturing sa kababaihang Pilipino sa pamamagitan ng isang makabuluhan at kritikal na diskurso ukol sa papel na ginagampanan ng kababaihan sa lipunan. Isa rin sa mga nais na talakayin ay ang konsepto ng women’s empowermentโ ang presensiya nito sa pre-colonial na lipunan (kung mayroon) at ang nararapat na manipestasyon nito sa kasalukuyang konteksto ng kababaihan.
ย
UP KAPPP Page:ย https://www.facebook.