This Young Man’s Status Says Why We Should Always Choose Passion Over Earnings

Many fresh graduates, if not all, face this unnerving dilemma: to choose a stable, well-paying job or to go after your heart’s desire? For some lucky ones, they get both, but for some, it might as feel like the biggest decision they will ever make their entire life.

RJ Carbonell is no different. He faced this dilemma as well. In a status he posted on Facebook, the young man talked about how he decided to give up his well-paying job for one that fueled his passion for writing albeit the less-than-appealing salary that came along with it.

He wrote:

Nakatsamba ako sa isang trabaho. P30k ang starting salary. Sobrang namangha ako. Sa wakas, mapapamana ko na yung luma kong Nokia sa maliit kong kapatid. Makakapag-wardrobe change na ko ng ‘di na ko mapagkamalang snatser sa labas. Makakapag-travel goals na kami ni crush hanggang sa labas ng bakuran nila.

‘Yun nga lang. ‘Di related yung trabaho sa kurso kong Journalism kung saan napamahal na ko.

Ta’s kasabay ng araw ng contract signing, tumawag yung diyaryo na nag-interview sa’kin nung isang linggo. Akala ko, ‘di na sila tatawag. Sabi nila, ang trabaho lang nila para sa’kin ay news researcher. Sobrang baba ng suweldo. ‘Di hamak na mas maliit pa sa kita ng isang Jollibee crew. Which reminds me. Baka ‘di ko na yata maaafford dito kahit yung Peach Mango Pie nila na walang nagmamahal.

Pero pinili ko pa rin maging journalist. Nanlaki sa gulat yung bibig ng manager sa kumpanyang malaki magpasuweldo. Nanlaki rin sa gulat bibig ko. Nanlaki rin sa gulat bibig nung janitor na naglilinis sa tabi namin. Pero sa gitna ng lahat, alam kong masaya ako sa desisyon ko.

May nagsabi kasi sa’kin dati na kung papipiliin ka sa kasiyahan o sa maraming pera. Piliin mo lagi ang kasiyahan. At self-explanatory na raw kung bakit.

– – –

P.S. ‘Di ko alam kung ba’t naisip ‘to ng iba. Pero ‘di po ko against sa call center. Hanga nga po ko sa kanila. Kasi most of them ay breadwinners ng pamilya. Actually, baka nga po mag-part time ako sa call center ‘pag nag-law school ako sa future. Pero as of now, gusto ko po subukan at alamin kung journ ba talaga ang calling ko sa buhay.

Check out his original Facebook post:

It’s been known that writers earn peanuts, but thankfully, life isn’t just all about the numbers in the bank. We salute you, kuya.

What do you think of this status? Do you agree or not? Share your thoughts in the comments.