Pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba ng Kulturang Pilipino

Ang Banyuhay: Pagkakaisa sa Pagkakaiba ay isang kaganapang handog ng mga Tourism Students mula sa BSTM 4-1N at BSTM 4-2N ng Polytechnic University of the Philippines sa gabay at suportang ibinigay ng aming tagapayo na si Gng. Ma. Gay M. Teopengco. Ito ay ginanap nitong huling Huwebes, ika-11 ng Oktubre, sa silid ng Manila, ikapitong palapag, Hasmin Building, M.H Del Pilar Kampus, PUP. Ang programang ito ay naglalayong ipakilala muli ang mga katutubong Pilipino na bumuo sa kultura ng Pilipinas. Isa itong pag-alala ng kulturang Pilipino at naghahangad na muli itong maibahagi sa mga kabataang dadalo.

Pinangunahan ni Gng. Lizbette R. Vergara, ang Chairperson ng CTHTM, ang panimulang pagbati bilang pagsisimula ng nasabing programa. Naghandog rin ang mga piling tagapag-organisa ng isang pagtatanghal na nagpapakita ng mga pagbabago mula sa tradisyunal hanggang sa modernong sayaw.

Nagbahagi ng kaalaman at karanasan si Gng. Joan Flora Domanais ukol sa paksang “Social and Economic Empowerment of Indigenous People.” Nagbigay rin siya ng mga paalala na hindi dapat kalimutan ang ating pinanggalingan, subalit atin itong alalahanin at ipagpatuloy na isabuhay. “Nalahian na tayo ng ibang mga lahi tulad ng Espanyol at Hapon, at iba pa. Pero still, mayroon parin tayong Pre-colonial identity so dapat ‘yon yung kinikilala natin,” isa sa mga tumatak na paalala mula kay Gng. Domanais.

Sunod naman naming ipinakita’t ipinakilala ang mga kasuotan ng mga katutubong Pilipino sa pamamagitan ng isang Fashion Show na may temang, “Tribu- Moda: Bigyang diin, Katutubong Kayumanggi.” Naging matagumpay rin ang mga paligsahan sa Travel Photography at Video Presentation na may temang “Kultura sa isang Iglap”. Ang lahat ng nasabing programa at patimpalak ay nilahukan at binigyang-buhay ng mga piling mag-aaral na nasa ika-unang taon mula rin sa aming kolehiyo, ang CTHTM.

Ang Banyuhay: Pagkakaisa sa Pagkakaiba ay naging matagumpay rin sa suportang ibigay ng WhenInManila.com at Astig.Ph bilang aming mga media partners. Nariyan din ang San Miguel Corporation, ang Trampoline Park, ang HaNi’s Skincare & Wardrobe, at ang B&K Professional Audio System and Events Management bilang aming mga sponsors.

#BANYUHAY2018 #PagkakaisaSaPagkakaiba #2NE1Events
Para sa iba pang detalye at mga larawan, maaaring bisitahin ang official Facebook page:
https://www.facebook.com/banyuhay2018/






Related Stories