A concerned mom posted this on her Facebook page claiming that she saw this inside Divisoria’s 999 mall. She observed a mother and his 2 year old son for an hour and thought about many things. She saw that the mother was very tired so she tied her son so that he will not go far since the guards of the mall already talked to her because she let him wander off unsupervised while she was sleeping on the table in the food court (assumingly) of the mall.
OP also witnessed the mother getting angry at the child and scolding the child as if he was able to understand. Some passersby were also taking photos of the two and even brought the child food as it looked like he was very hungry. He was also mentioned to be dirty.
Habang inaantay ko mga kasama ko, Nakaupo ako sa tabi ng mag ina na to. Nung una, pinabayaan nya lang ung anak nyang pagala gala na tila pulubi sa loob ng mall hanggang sa sinita sya ng guard dahil nakikitang pagala gala ung anak nya so ang ginawa nya tinali nya tapos balik siya sa pagtulog nya. Andaming taong nagtitinginan pero hindi ko talaga ma-take yung itali nya ung anak niyang tila aso. Well naisip ko “ayos to ah, para makatulog ako itali ko anak ko” kasi effective nga naman dahil di lumalayo yung bata. May mga taong napapadaan na pinipicturan sila.
Tapos pag umiiyak ung bata pinapalo nya ng bonggang bongga edi lalong nagtitinginan ung mga tao kasi sinisigawan nya at kinakausap nya as if naiintindihan siya e tila 2 yrs old plang yung bata. Siguro 1 oras ko din silang nakikita and napaka dami kong narealize kasi ako din may anak. May time nga na naisip ko kunin ko kaya ung bata tapos ampunin kaso naisip ko kay c*eli (anak ko) lang hirap na hirap na ko. Naisip ko din na bihisan ko ng malinis na damit at paliguan tapos ibalik sa pagkakatali tapos magugulat ung nanay nya. Meron ding nagbigay ng boiled egg dun sa bata para may makain kasi obvious na gutom. Hanggang sa ayan inantok ung bata at nakatulog nalang sa sahig.
Napapaisip ako kung anong pinaggagawa ng nanay nya bakt tila puyat na puyat. May mga naki table din sakanila dhl nga sobrang daming tao at hindi naman sya kumakain. Imagine mo ung kumakain ka tapos may muka sa harap ng pagkain mo. Cute cute pa naman nung bata. Jusko ang hirap makakita ng mga gantong pangyayare pag may anak ka na. Maluha luha pa ko dahil sa awa dun sa bata. Nasabe ko din sa sarili kong d ko hahayaang umabot kami sa ganyan. At sobra sobra ko din naappreciate lahat ng nagmamahal samin at tumutulong lalo na sa anak ko. Yung feeling na kahit hindi kami happy family at walang tatay yung anak ko yet napaka daming blessings at nagmamahal sakanya. Dito ko din nakita yung unconditional love from your child kasi kahit anong palo at sigaw ng nanay nya, babalik at babalik sya sa nanay nya. At napansin ko din na mas malikot anak ko kesa sa anak nya pero yung psensya nya sobrang iksi. Pano nalang kung kasing likot nya anak ko? Baka napatay nya ng wala sa oras yon.
Gusto ko din kausapin ung nanay kaso baka adik pala at saksakin ako. Sa takot ko mangeelam, sinumbong ko nalang sa guard bago ako makaalis ng 999 mall sa divisoria. Di ko na nga lang nakita kung ano ginawa nung guard.
How can a mother do this to a child? What are your thoughts?


sana ho kesa pinicturan nyo yung “mag-ina” at nag take effort to post at magkwento, sana yung effort nyo ibinuhos nyo na lang sa pagtulong dun sa “mag-ina”, hanap ka ng pwesto para maayos yung paghiga ng bata, mall yan madami karton, ask utilities ng mall baka may extrang pwede higaan, ask the guard na kung pwede wag sila paalisin kasi mukhang pagod yung babae..ang simple lang naman ng solusyon..pinoy nga naman dinadaan sa social media ang kaya naman gawan ng paraan
You only saw what she did, but not what she’ve been through. You could have done something about it tho instead of posting this picture. If you really want to help, DO IT, not ‘POST IT’.
Wala parin s lugar yung pagtatali ng magulang s anak na parang ginawang aso. Pero mas masahol ata yung mga taong nakakakita na wala manlang ginawa kundi litratuhan at ipost yung sitwasyon. The moment na makakita ka ng ganitong scenario hindi pweding wala kang gagawin eh. lalot nasabi pa ng writer n may anak sya. alam mo yung feeling ng magulang na naawa s anak. its unbearable. may mga sitwasyon nga na ipagpapalit mo pa buhay mo para lang s kapakanan ng anak mo eh. yun ang tunay na parent. Mali naman talaga itong nanay na to regardless ng kung ano reason nya pero mas mali yung mga parent na nakakita dito ng personal at walang ginawang tama para ayusin yung sitwasyon ng kaawa awang bata…..
Sa mga first time makakita ng ganito “nakataling bata sa nanay” eh huwag na po tayong maging judgemental kasi daming “Why o Bakit?”. You can clearly see in the picture na nakatulog din ung nanay, maybe she’s exhausted too, at dahil cguro dun eh naisipan niya nalang na lagyan ng tali yung anak nia para kahit makaidlip siya eh di mapalayo sa kanya yung bata. Di naman lingid sating kaalaman na madaming bata na napapahiwalay sa kani-kanilang mga magulang pag lumalabas ng bahay, I think it’s a good thing parin na may ginawa siya kahit na may mali siya in the first place.
Kung ako nakakita jan hindi pwedeng hindi ako ang sumita.. ke adik pa sya or what not.. ang gagawin ko e tatawag ako ng guard magpapasama ako, then kakausapin ko ung babae.. baka nga batukan ko pa e para magising.. or… pulis ang tatawagin ko at dswd.. ang hirap sa atin kasi alam naman natin kung ano ang dapat gawin dahil sa takot e pinababayaan na lang.. asan na ung pakikipagkapwa tao natin? Alam mo palang gutom bakit hindi mo din binigyan ng pagkain? Hardboiled egg lang kamo inabot nung isa. Anu ba naman na bigyan mo tinapay. Ang dami mong sinulat na gusto mo gawin pero wala kang ginawa. Ang ginawa mo lang e pinicturan mo para sumikat ka sa social media. Hindi natin kailangan ipost para tumulong.. pisikal na tulong ang kailangan netong bata, hindi post sa fb.. o sige naipost mo na.. ano nagawa nyan? Wala diba? Instead na maturuan ng lintek na leksiyon yang nanay e nagpasikat ka lang sa social media. Nakakainit ng ulo! umasa ako sa ending ng post na to e may ginawa syang aksyon.. She did not even see to it that the guard really went there to do something. I bet these guards are used to these situations and some wouldn’t make an effort anymore. Saka why should we pass the responsibility to other people when we can take charge ourselves? Kaya madaming masama kasi lagi tayo bahag ang buntot at ok na lang.. Wala nlng pakialamanan.. Hay.