Kim And Xian Set To Make Sparks Fly On Grand Fans Day This Sunday

KimXi_E-Flyer FINAL

Isang engrandeng grand fans day ang handog ng Jeepney TV at Cinema One tampok ang tambalang KimXi nina Kim Chiu at Xian Lim para sa cable TV premieres ng kanilang top-rating telserye na “Ina, Kapatid, Anak” at “Past Tense”  ngayong Linggo (Agosto 23) sa SM San Mateo.

Magpapakiligmuli ang love team nina Kim Chiu at Xian Lim, na isa pa rin sa mga hottest love teams ng bagong henerasyon simula alas-4 ng hapon sa kanilang mga fans para sa pasabog na cable TV premieres ng “Ina, Kapatid, Anak” sa Jeepney TV at ang pag-ere ng kanilang Star Cinema film na “Past Tense” sa Cinema One sa Setyembre 27.

Matatandaangang “Ina, Kapatid, Anak” ang isa sa mga tinutukang teleserye noong 2012. Maliban kina Kim Chiu at Xian Lim, bida rin dito sina Maja Salvador at Enchong Dee. Ang “Ina, Kapatid, Anak” ay umeere sa Jeepney TV tuwing Lunes hanggang Biyernes, 7PM.

Samantala, ang“Past Tense” naman na pinagbidahan nina Kim at Xian noong nakaraang taon ay isang romantic-comedy movie kasama ang comedy queen na si Ai Ai delas Alas.

Ang Jeepney TVang tahanan ng timeless TV shows na malapit sa mga puso ng mga Pilipino. Layunin nito na magbigay sa cable TV viewers ng kakaibang TV viewing experience sa pamamagitan ng pag-ere ng classic TV shows mula sa iba’t ibang TV eras. Isa ang Jeepney TV sa cable channels ng Creative Programs, Inc. (CPI), isang subsidiary ng ABS-CBN.

Para sakaragdagang detalye, pumunta sa official Facebook pages ng Jeepney TV (facebook.com/Jeepney TV) at ng Cinema One (facebook.com/Cinema1channel). Ang Jeepney TV ay napapanood saSkyCable Channel 9 at Destiny Cable Analog 41 and Digital 9. Samantala, sa SkyCable Channel 56 at Destiny Cable Analog 37 at Digital 57 napapanood ang Cinema One.






Related Stories