Airport Roads Warning: Gangs Harassing Motorists by NAIA

 

NAIA-Airport-Flyover-Warning-Terminal-1-Gang-WhenInManila_thumb.jpg

 

Beware of this men… Around 9am last friday, naghatid kami sa airport. Pagkalabas namin ng NAIA terminal 1, sa may ilalim palang ng NAIA flyover, may grupo ng kalalakihan na nanghaharrass ng mga motorista. Kinakatok nila mga sasakyan habang traffic, may sumasampa sa side step, sabay punas sa windshield, tinaas pa nga ung wiper namin. Binuksan ng driver namin ng konti ang bintana para iabot ang bente, ayaw pa rin umalis. Kahit na umaandar na kami, nakasabit pa rin sila. Sinasara na ng driver namin ang window, “kuya ang daliri ko!, pangkain lang kuya sige na.” Nag let go lang sya nang makita nya kong maglabas ng camphone at tinutok sa kanila. Nakuhanan ko ung nasa harap na crosswind na pinahinto din ng kasamahan nila. Fully opened na ang driver’s window, kaya buong braso or upper torso ng guy ung napangharang nya para hindi maisara ang window. Hindi ko na alam kung ano nangyari sa kanila kasi nagovertake na kami. Pero scary sila kasi they were around 7-10 men. may kasamahan silang sumisilip sa loob ng compartment habang nangyayari ang lahat.

 

 

Article Written by: Gina Limpingco-Marcos

Posted with her permission.