Pagkagat ng Dilim: UP Repertory Company’s 53rd Season Twin Bill Play

Para sa kanilang ika-53 na theater season, itatanghal ng The UP Repertory Company ang kanilang twin bill play na Pagkagat ng Dilim, sa Nobyembre 27–29, 2 PM at 6 PM sa Parola Gallery, UP Diliman.

Tampok dito ang mga dulang Aswang as You Love Me ni U. Z. Eliserio na dinerehe ni Eshei Mesina III, at Deliberi ni Jasper Villasis na dinerehe ni Vin Daniel Ramos.

WHENINMANILA 1

Ang UP Repertory Company, o UP Rep, ay isang official student performing arts group ng UP Diliman. Itinatag ito noong 1972 ni Prop. Behn Cervantes bilang tugon sa kondisyon, hamon, at panunupil na dulot ng Batas Militar. Layunin ng organisasyon sa lahat ng kanilang pagtatanghal ang pagsasabuhay ng Repleksyon ng Pangangailangan ng Nakararami (RPN). Ito ay ang ideya na ang lahat ng ginagawa ng UP Rep ay patungo sa masa at para sa masa. Ang bawat pagtatanghal ay repleksyon ng kanilang hangarin at mga pinagdaraanan. Hindi lang ito simpleng pagpapakita ng repleksyon; bagkus, binibigyang-kahulugan at minsa’y binabasag din ang repleksyong ito.

Ang tema sa ika-53 na theater season ng UP Rep ay ang Agaw Eksena, kung saan inaanyayahan nila ang mga tao na agawin ang mga bagay na pinagkakait sa kanila. Inaanyayahan silang lumaban at bawiin ang kontrol ng naratibo ng kanilang buhay. Ito ang temang sumasaklaw sa mga dulang itatanghal nila ngayon.

Kung mayroong mga tanong na nais iparating, maaari silang maabot sa kanilang email na theup.repertorycompany@gmail.com. Maaari rin silang maabot sa kanilang Facebook page na The UP Repertory Company upang mahanap ang iba pang mga detalye tungkol sa produksyon.

Leave a Reply

WHEN IN MANILA

WIM IN DAVAO

WIM IN THAILAND

WIM IN KOREA