Daughter of Taxi Driver Pleads: Let’s Be Responsible Commuters

When in Manila, commuting can be very stressful. We often hear of the horrors of traffic and unreasonable cab drivers but every now and then we hear of those good taxi drivers that allow for our faith in humanity to be restored. This is a story about that.

Glaidale Hibaya is the daughter of a taxi driver. She shares this on Facebook because she wants all commuters to remember that there are decent cab drivers out there. She laments, “ Hindi lang basta nagmamaneho at nag-aaksaya ng gasolina yang mga tsuper na yan mga besh. May mga pamilya yang binubuhay. May kinabukasan yang pilit na itinataguyod. Always bear that in mind.”

Read the whole post here:

Source: Glaidale Galvez Hibaya

Full text:

I don’t usually post something like this on Facebook pero I’ve had enough.

Tayong mga pasahero, we easily react kapag nakakaencounter tayo ng mga PUV drivers na may kagaspangan ang ugali. Ngayon, kapag medyo di kayo nagkaintindihan ng driver, o feeling mo eh naagrabyado ka, madali nalang magpost sa Facebook. Ika nga, “para sumikat”. Pero sobrang bihira akong makakita o makarinig ng balita o kahit usap-usapan na yung driver naman yun naagrabyado ng pasahero. But let me tell you this— yes, it fucking happens.

My dad is a taxi driver na ilang beses nang naloko ng pasahero. Kung hindi nanakawan, hindi babayaran, or babayaran ng pekeng pera. Just this morning before I go to work naabutan ko si daddy na kakauwi ko lang mula sa 15 hours na pasada. Nagkwento sya na yung isa nyang pasahero na nagpahatid pa sa Alabang na may metrong pumatak ng 400php ay HINDI NAGBAYAD. Yung reason? Wala raw pambayad eh. BESHIES???!!??? So ang ending, umalis nalang yung tatay ko kasi ano naman daw bang magagawa niya e sa wala raw maiabot.

Pero yung pinaka nagtrigger sa akin kung bakit ko pinost ito ay nung sinabi ng daddy ko na, “Ganun talaga eh, mababa kasi tingin nila [mga pasahero] samin [mga driver]. Sobra akong nasaktan dun mga momshie. Kumulot tuloy yung bangs ko nang slight.

400 pesos, yes, maliit na halaga para sa ilan pero malaki na yun para sa tulad naming hindi ganun kagaanan ang buhay. Sana naisip yun nung bruhildang pasaherong yun.

Yang nakaSablay sa larawan, ako yan. Nilagay yan ng tatay ko dyan para naman daw mas mainspire pa sya magtrabaho. Para maalala niya nadahil sa paghahatid niya ng mga pasahero, may napatapos siya sa kolehiyo.

Para sa ating lahat, sana maging RESPONSABLENG commuters tayo. Kung walang pambayad ng pamasahe, hindi option ang mag 123. Hindi lang basta nagmamaneho at nag-aaksaya ng gasolina yang mga tsuper na yan mga besh. May mga pamilya yang binubuhay. May kinabukasan yang pilit na itinataguyod. Always bear that in mind.

Let’s all be responsible commuters. Always remember taxi drivers are also people who are just trying to make a decent living.

[fb_instant_article_ad_01]?




Related Stories