5 Heartfelt Stories of Working Students That Will Inspire You!

Words By Krizia Joy Rivera

There are plenty of reasons why students are applying for jobs even though they already knew it’d be difficult for them to manage everything. To think, we all know how hard it is for students to work while studying, but we don’t know how they felt and the pressure they went through during the process.

Here are the 5 stories of students that would like to share their experience. 

5. A working student since Junior High School РAnonymous

“Nung una, syempre mahirap tapos nung time pa na yon nag-stay in ako sa amo ko kasi ayaw ng parents ko na bumibiyahe ako everyday tsaka sayang rin sa pamasahe. Nahirapan ako mag-adjust kasi parang kahapon lang naglalaro ako sa labas tapos biglang ngayon kahera na ko. Yung mga kasing edad ko (13 years old) nun, naabutan nila na ako yung kahera tapos syempre nakakainggit kasi malayo rin ako sa mga kaibigan ko. Wala akong makausap kasi lahat ng mga kasama ko dun malayo yung edad sakin.

Naalala ko pa nung first week ko dun tuwing gabi umiiyak ako, pero tinatakpan ko yung bibig ko kasi nahihiya ako baka pauwiin nila ako, baka wala akong pera sa pasukan. Nagkaron din naman ako ng kaibigan dun. Hanggang sa lahat ng kasama ko run kaibigan ko na. Kaya yung 8-5 shift na puro tayo lang bawal umupo parang mas naging magaan sa pakiramdam. Nasanay na rin ako sa dami ng tao, na may iba’t ibang ugali na nakakasalamuha ko. Nung unang tanggap ko ng sahod, tinitigan ko siyempre yung sobreng may lamang pera. Sarap sa feeling, lalo na nung bumibili ako ng mga gamit ko pangschool tapos gamit ko pera ko.”

4. Mary Rose C. Ferrer / 28

Nag work ako nung nag-aaral pa bilang service crew noong 2011-2013. Nagstart at nagworking student ako for financial help and at the same time to gain advance experience. Pinakamahirap na experience is yung time management kahit gano ka kagaling mag manage ng time mo andun yung hahabol habol ka talaga sa oras mo sa lahat ng bagay na gagawin mo.

Pinakamasayang experience ko ay yung mga kalokohan sa trabaho syempre pag sahod na haha. Ang advice ko lang sa mga susubok ay sige lang! Papasa at makakapagtapos din kayo! Tandaan na kapag may tyaga may nilaga.”

3. Candice Ashley F. Balero / 16

I’m currently working at Mcdonalds West Fairview near Fairview Center Mall. Nagstart ako magwork noong bakasyon bandang April, ‘yon nag apply ako then pinuntahan ko halos lahat ng Mcdonalds na malapit saamin then ang pinakalast ko na pinuntahan e itong West Fairview na pinakamalapit saamin. Sila yung pinakaunang nagtext sa akin bago yung iba na pinasahan ko ng resume kaya dun ako nagpasok haha.

Nagworking student ako syempre unang una gusto ko makatulong sa expenses lalo na sa baon ko sa school kasi sobrang laki nya kasi. Sa Sta. Mesa pa ako nag aaral atsaka wala kasi akong pinagkakaabalahan that time kaya nag work ako.

Pinakamasayang experience ko as a working student yung nafufulfill mo yung needs mo and sometimes ng family mo ‘tas alam mong galing yon sa pinaghirapan mo yung makapagpasaya ng ibang tao dahil nababalik mo sa kanila yung nabigay nila sa’yo.

Pinakamahirap na naexperience ko ay yung sobrang dami ng ginagawa sa school tas may duty ka pa tas nahihiya ka na mag pa EA kasi kakaEA mo lang, di mo alam gagawin mo tas napakalayo pa ng itatravel mo from school to work kahit pagod na pagod ka na kakayanin mo talaga. ‘Tas pagdating mo sa work may mga mangyayari pang di maganda. Pero normal nalang yon pag nasanay ka na.

Isa din sa pinakamahirap yung pakikisama sa mga ka crew mo kasi syempre ako pinakabata sa amin, 17 palang ako then sila sobrang tatagal na. Mahirap talaga makisama lalo na pag sobrang dinadown ka nila yung imbis na tulungan ka pero hihilain ka pa nila pababa na minsan naiisipan mo na magquit hindi sa hirap ng trabaho pero dahil sa hirap sa pakikisama pero yon nga masasabay ka nalang and eventually magkakaron ka din ng mga makakausap.

Ang advice ko, maging matatag lang. Kasi hindi lahat ng tao nabibigyan ng ganyang privilege at focus lang sa goal. Wag papadaig sa mga distractions. Masarap mag trabaho habang nag aaral, lalo na kung nagiging isa sa dahilan yung pag aaral mo para sa pag sisikap mo sa trabaho mo at yung pag tatrabaho mo sa pagsisikap mo sa pag aaral mo.”

2. Anjanette San Antonio, 23

“Nagstart ako as service crew noong 2015-2017. 2nd year college ako noon and may financial problem. Pinakamasayang experience ko ay yung mga FREE MEALS at yung mga kasamang baliw kong katrabaho.

Ang pinakamahirap lang ay yung time management at puyat. Ang masasabi ko lang na advice is kaya nyo yan! Lahat ng hirap nyo, may magandang kapalit. ”

1. Angelika San Antonio, 21

“Nagstart ako mag work simula January 2018 to November 2018 kasi I just want to try and challenge myself and at the same time extra income na din. Best experience every closing time habang naglilinis, nagkwentuhan, tawanan, at kantahan. Then lugaw after duty. And FREE MEAL. Mahirap na experience ay yung pag-sabayin yung aral (thesis) and work. Time management. My advice is to keep going, but don’t stress yourself out too much. Bata ka pa.”

These stories made me feel sad and inspired at the same time. Students like them should be focused on studying and enjoying their life. But nowadays, they are affected and concerned by the impact of poverty which most Filipinos are experiencing. This issue forces them to work even if they’re still studying.

However, this also proved that Filipinos are very loving towards their families. They will do everything to help as long as they can. Working to support their financial expenses and giving back the love they received from those people who believed in them amidst all the struggles they’ve been through.

Big respect for them! These students took the responsibility so early on, they deserve all the praise and appreciation! You guys are the true idolo!

INSPIRING: UP Student who worked 6 jobs graduates Cum Laude

Got some stories to share? Comment down below!

[fb_instant_article_ad_01]?




Related Stories