VP Leni addresses graduates: “We must approach the future with grit.”

Vice President Leni Robredo addressed the graduating class of 2020 in a special year-end episode of “All Kaps! Ateneo Level Up” this May 9. In this time of pandemic, she reminds us we must hope and work for our future.

You can watch the video of her address here:

https://www.facebook.com/VPLeniRobredoPH/posts/2854528811331435

(LOOK: Grad-waiting UP Student Fulfills Mom’s Wishes for a Sablay Photo in Animal Crossing)

Below is the transcript of her speech:

Addressing the class of 2020 in a time of great uncertainty, I cannot help but look back to my own graduation in 1986. Kakatapos lang ng EDSA revolution noon. Ilang buwan din kaming pinayagan na hindi pumasok sa aming mga klase para makiisa sa mga mobilization. Naging pagkakataon ito para isadiwa ang mga itinuro sa amin, at palawakin ang sariling perspektibo. Looking back, kahit napakagulo ng panahon na iyon, mapalad kami kasi hindi lahat ng gumagraduate nabigyan ng parehong pagkakataon.

Sa tingin ko, magkahanay ang karanasan namin ng Batch of 198—alam na tuloy iyong edad ko [laughter]—of 1986 at ng Class of 2020. Hindi tipikal ang panahon at ang graduation experience natin; may mga inasahan tayo sa pagtatapos na hindi siguro magaganap. Pero kasabay nito, may panawagang magnilay, at maraming pagkakataon ang binibigay para sa pagbubukas ng isip. Ang pagkakataong ito ay extraordinary at unique sa batch ninyo.

Alam nating may malawakang pagbabagong nangyayari sa buong mundo. Lagi tayong napapaalalahanan ng mga bagay na magiging iba sa inaasahan natin. How do we approach this change?

May pakiramdam akong dito galing ang pangambang nararamdaman ng marami sa atin ngayon. We live our lives looking forward to certain things, and when it becomes clear that these things will probably not happen, we lose some of our anchorage. Dahil sa COVID-19, tinatanong natin ang sarili natin, mangyayari pa kaya ang inaasahan ko? At kung hindi ito mangyayari, ano kaya ang magiging kapalit nito?

This is where your real work as graduates begins: With imagining the future. You are asked to answer questions like: How do we make sure technology brings people closer, instead of driving us further apart because of the digital divide? If we can never go back to the old way of doing things, how do we make sure that the new world will be shaped more fairly, more equitably, in a way that bridges social gaps and dismantles the injustices of the past? How do we relate with one another in a post-COVID world?

Ganitong mga klaseng tanong ang kailangan nating pasanin ngayon. Walang maihahain na tiyak na sagot. Pero mula sa kinatatayuan ko, galing sa sarili kong karanasan at sa pagkakaintindi sa mundo, siguro ito ang masasabi ko: Walang ibang paraang tumugon sa situwasyon kundi ang kumilos nang palabas at pasulong.

Mulat tayo sa mahabang kasaysayan ng sangkatauhan: Walang lahi na nakaalpas sa lindol o bagyo nang nagkakanya-kanya. Walang komunidad na nakabangon mula sa digmaan nang hindi nagtutulungan. Tayo mismo—mula sa pananakop hanggang sa Martial Law—nakatindig tayo dahil pinagsama-sama natin ang lahat ng kaya nating iambag, at ginawa ang lahat ng kayan nating gawin.

In times of hardship, many will feel the impulse to think only of oneself, or of one’s immediate circle. Let us resist that impulse. We must expand the circle of whom we treat as important—kung sino ang tutulungan, sino ang iintindihin, sino ang aalagaan.

Social distancing aside, we cannot shrink back into our bubbles, fragment into old affinities, build barriers between those we know and those we don’t—kasi apektado ang lahat ng virus. Hindi ito kumakatok, hindi nangangailangan ng passport para maglakbay, hindi namimili ng laman ng bank account. Sangkatauhan ang hinahamon, at buong sangkatauhan ang dapat tumugon.

‘Yan ang ibig kong sabihin kapag sinabi kong “palabas.” Ang ibig ko namang sabihin sa “pasulong”: Hindi tayo puwedeng magpa-paralyze sa pangamba. Each small task, each small effort counts. We must approach the future with grit.

Noong namatay iyong asawa ko noong 2012, hindi ko alam kung ano ang laman ng kinabukasan. May panahon na iyong simpleng pagbangon, parang napakalaking effort ang hinihingi sa akin. Pero kailangan. May tatlong anak akong umaasa sa akin. Maraming tungkulin. At maraming taong patuloy na naniniwala sa mga prinsipyong ipinaglaban ni Jesse.

Here’s what I learned: The simple act of picking something up and putting it in its right place gave a sense of comfort, of anchorage, in my own time of uncertainty. Iyan ang binabalikan ko sa mga gawain namin dito sa OVP nitong nakaraang mga buwan. Alam ko na sa bawat food pack na maisilid ko sa supot, may isang taong hindi magugutom. Sa bawat metrong matahak ng shuttle service namin, may isang magulang na makakauwi sa kanyang pamilya. Sa bawat PPE na maihahatid sa amin ng mananahi, may isang doktor o nurse na mapoprotektahan laban sa virus; na mapapangiti, ang bawat natutulungan dahil alam niyang hindi siya nag-iisa.

Palabas at pasulong. This, my dear graduates, is how I propose we approach the future. Hindi ko alam kung kakilala niyo o nabasa niyo iyong sinulat ng nobelistang si Arundhati Roy, isang portal tungo sa bagong mundo ang dinaranas natin ngayon. Diin pa niya and I quote: “We can choose to walk through it, dragging the carcasses of our prejudice and hatred, our avarice, our data banks and dead ideas, our dead rivers and smoky skies behind us. Or we can walk through lightly, with little luggage, ready to imagine another world. And ready to fight for it.”

Earlier, I mentioned the task of imagining this future. Sa tingin ko, ngayon pa lang, nakikita na natin ang bakas ng kinabukasan na kailangan natin para masigurong magpapatuloy ang sangkatauhan.

Nakikita natin ito sa napakaraming mga scientist na nagtutulungan para lalong mapadali ang pag-develop ng lunas at bakuna para sa COVID-19.

Nakikita natin ito sa mga lingkod-bayan na nag-iisip ng malikhaing paraan para makatugon; na pinipiling tratuhin ang nasasakupan bilang mga kapwa-taong nakakaramdam ng gutom, takot, at pagkalito, at hindi sila tratuhin na mga basta nagmamatigas lang laban sa mga patakaran, at sa halip ay gaya nating lahat, naghahanap ng paraang magpatuloy mabuhay sa harap ng matinding pangamba.

Nakikita natin ito sa mga journalist na ibinibilad ang sarili sa panganib, para magpatuloy ang daloy ng tama at napapanahong impormasyon.

Nakikita natin ito sa mga doktor, nurse, driver ng shuttle, mga taong nagdadala sa atin ng pagkain at pinapanatili tayong ligtas.

Nakikita ko ito sa kabataang nagvo-volunteer or nagdo-donate ng kahit maliit na halaga; na pumapalag sa social media kapag nakikita nilang may kulang, may hindi tama, may mahalagang dapat ipaglaban.

The future that humanity needs to flourish is one populated by the selfless, by the brave, by people resolved to do everything they can to make things better for everyone else.

So, maraming salamat, Class of 2020, for taking the lead in shaping this future. Congratulations on your graduation!

What do you think about this?

Do you have a story for the WhenInManila.com Team? Email us at story.wheninmanila@gmail.com or send us a direct message at WhenInManila.com Facebook Page. Interact with the team and join the WhenInManila.com Community at WIM Squad!