OBRA: Sining na Makababaihan

Ang UP Sigma Alpha Sorority – Los Baños Chapter ay isang kapatiran sa Unibersidad ng Pilipinas – Los Baños, na itinatag ng mga kababaihang mag-aaral ng Agrikultura sa unibersidad noong 1970. Noon pa man, ang laban para sa pantay na karapatan at representasyon ng mga kababaihan ay matagal nang isinusulong. Sa nalalapit na Araw ng mga Kababaihan, inihahandog ng kapatirang UP Sigma Alpha Sorority – Los Banos Chapter ang OBRA: Sining na Makababaihan na naglalayong isulong ang representasyon ng mga kababaihan sa larangan ng sining.

Sa paninindigan ng kapatiran sa prinsipyo nito na ang mga kababaihan ay may lugar sa larangan ng sining at dapat silang mapakinggan at mabigyan ng plataporma upang maipahayag ang kanilang mga sarili at adhikain. Bagama’t madalas gamiting inspirasyon ang mga kababaihan sa iba’t-ibang uri ng sining, madalas itong mabigyan ng mali o malaswang kahulugan. Ang sining ay hindi lamang nililimitahan sa estetika, ito rin ay may kabuluhang pulitikal na nagsisilbing pangmulat sa mata ng masa.

Magkita-kita tayo sa Marso 08, 2021 sa ganap na ika-5 ng hapon gamit ang Zoom at Facebook live upang mapakinggan ang mga tatalakaying paksa ng ating mga panauhing tagapagsalita.






Related Stories