LOOK: This guy photoshops himself with celebrities and writes letters to his ‘exes’

Melnar Arquillo seems like a simple guy but he dated a lot of celebrities and broke most of their hearts… at least on Facebook, that is.

Melnar has an album shared on Facebook where he photoshopped himself to some photos with celebrities and they appear realistic. Every photo comes with a letter on how and why he had to break up with them.

The photo album came with a caption:

• An Apology Letter to My Exes •

Sa mga naging ex ko, alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko sa inyo. Hindi ko man nasabi noon, gusto kong mag-sorry sa pamamagitan ng sulat na ito. Sana’y mabasa niyo.

Maine Mendoza

Maine,

I’m very sorry for being an assh*le. Nakalimutan kong red nga pala ang napag-usapan nating i-suot. Next time, pula na talaga isusuot ko, ‘di na assh*le.

Sorry din noong dumalaw ka sa bahay. Natata* ka na no’n pero walang tubig sa banyo. Bilib ako sayo kasi napagkasya mo ang isang pirasong tisyu para lang makapaglabas ng sama ng loob.

Kathryn Bernardo

Kath,

Sorry kung di marunong ang photographer na na-hire ko. Pati tuloy ako nawalan ng pokus sa’yo. #KatMel

Maja Salvador

Majal kong Ivy,

Sorry kung tinulugan kita noong kinukwento mo kung paano ka nata* sa gown mo sa kasal niyo ni Arnaldo at kung paano tumirik ang mga mata ni Emilia noong naamoy niya ito.

Liza Soberano

Liza,

Sorry kung pinanggigilan kita. GigiL muh k4Ze c AquOh!

Liza,

Wala akong dapat ihingi ng sorry dahil ako itong iniwan mo. Alam kong darating ang araw na babalik ka sa ‘kin at eto lang masasabi ko: “Coca Cola lang sana ang ‘yong minahal, ‘di ka na muling luluha pa.”

Megan Young and Kylie Verzosa

Megan & Kylie,

Sorry kung nag-away pa kayo para lang pag-agawan ako.

Kim Domingo and Meg Imperial

Kim & Meg,

Sorry kung pinagsabay ko kayo. Nakakalito kung alin ba ang dapat na piliin ko – busilak na kalooban? O ganda ng kinabukasan?

Pia Wurtzbach

Pia,

Sorry kung nagalit ka noong nangyari ‘to:

“Honey,” bulong mo habang naglalambing at hinahaplos ang braso ko, “wala na akong underweahhhhhr.”

“Ha?” tanong ko. “Wala na naman? Kabibili ko lang last week ah! Bakit nauubos yan? Baka kung kani-kanino mo pinamimigay ha? Di bale, hayaan mo’t bukas na bukas ay ibibili kita. Matulog ka na.”

Hanggang ngayon, hindi ko alam kung bakit na-badtrip ka. Tinupad ko naman promise ko. Hay, ewan.

He even had a celebrity exes from Hollywood. LOL!

Selena Gomez

Adele – Hello

Miley – Wrecking Ball

Ariana – Break Free

Selena – telege kung ako’y mejo tenge

Katy Perry

Katy,

Sorry kung ‘di ko natupad ang wish mong magkaroon ng sariling swimming pool. Inflatable pool lang ang afford ko e. Sorry din kung di mo maintindihan ‘tong nakasulat dito. ‘Di ako marunong mag english e. Nano-nosebleed ako.

Eto nga’t pina-translate ko kay Pareng Gugel para maintindihan mo:

“I’m sorry if I did not wish to your swimming pool. Inflatable pool only I can afford e. Sorry also if you do not understand ‘tong says. I do not speak english e. I’m nosebleed.”

What do you think of these photos? Amazing photoshop job, right? 😀






Related Stories