Did Jayzam Manabat of JaMill Really Cheat On Girlfriend Camille Trinidad?

Camille Trinidad of the famous YouTube loveteam JaMill revealed photos and screenshots of her boyfriend Jayzam Manabat kissing and chatting with other girls.

Akala ko tatlo lang pero apat pala sila. Sana naman wala ng lumabas dahil sobrang sakit na. Para sa pang apat na babae…

Posted by Camille Trinidad on Saturday, April 17, 2021

 

She wrote on a Facebook post yesterday:

Akala ko tatlo lang, pero apat pala sila. Sana naman wala ng lumabas dahil sobrang sakit na. Para sa pang-apat na babae, chat ka ng chat sa akin kung okay lang ako ngayon tapos p***, nakipaghalikan ka din pala? At sa sasakyan pa namin?! Walang hiya kayo! Nakakadiri kayo! Ikaw, kung matino ka maliligo ka nalang mag sesend ka pa ng s*** mo? At Jayzam, sobrang grabe na ‘to. Feb 13? Nag away tayo n’yan. May papost-post ka pa na sumasayaw ng “Chivalry Is Dead” dahil gusto mo ulit manligaw. Dahil sa ginawa mong kasalanan sa kapatid kong si Obrie, may pabili-bili kapa ng bulaklak dahil valentines day?! Tapos ‘pag tapos nun, dapat matino ka na?! Dahil okay na ulit tayo?! So, Feb 15 natapos lahat ng kalokohan ni Jayzam. Hindi na nag inom [at] wala na din kaming kasama sa bahay kundi magulang na lang. Pero ngayon na nag labasan [na ang] lahat, hindi ko na kinakaya pa. At walang tigil ‘tong isip ko kung bakit nagawa sakin ‘to. Parang awa mo na sana huli na ‘tong nakita ko dahil sobrang sakit na ng ginawa mo. Wala nakong luhang maipatak dahil ubos na ubos na ko.

jamill 1

Earlier today, she adds that Manabat’s cousin had been a bad influence on him in a follow-up Facebook post.

Gusto ko na lang din magsalita kasi hindi matatahimik ‘yung isip ko dahil sa sobrang sakit ng nangyare sakin. ‘Yung sa pag check in nila Jayzam sa Highland Bali na kasama nya ‘yung pinsan nyang magaling, [si] “Kim Gayo Babaero” na tuwang-tuwa pa dahil iinom sila at walang ibang inisip kundi mambabae. Never ako naging panatag sa pinsan nya na ‘yan dahil kahit nasa condo pa kami, ikaw ba naman, kaharap ko si Jayzam tapos sasabihin nya “tingnan mo ‘to Jay, oh. Ang ganda ng babae.” Sobrang nakakabastos lang na kahit hanggang nasa bahay na kami bastos parin ang bibig nya, ni hindi man lang nya iniisip bago magbitaw ng salita. Ni wala na syang gagastuin sa bahay, lahat libre ultimo mga naka-aircon pa. Sobrang pangit na impluwesya nya kay Jayzam.
jamill 3
She also talked about how his cousin had always been competing with Manabat despite their family ties.
At ikaw ba naman na pinsan nya, makikipag kompitensya ka sa kapwa pinsan mo? Kapag nakikita nyang may magandang nangyayare sa amin parang gagawa at gagawa [siya] ng ikakasira namin. Sobrang tagal ko [nang] nagkikimkim ng mga ganitong pangyayare, hindi ko na lang din matandaan ‘yung mga dati. ‘Yung mga panahong naka-check in kayo ni Jayzam at lasing na lasing na ‘yung tao, ikaw ‘tong mas matanda sa kanya, ikaw pa ‘tong nagpupush. Ayusin mo naman utak mo.
Then, she explained what happened that day in detail.
Mga nakalipas na oras, naging okay kami ni Jayzam pero hindi ko alam na nagkaroon ng “halikan” dahil ang sabi lang nila sa akin nag-inom lang sila at walang babae. So, naging okay kami at wala akong kaalam-alam. Makalipas [ang] ilang panahon, nung malapit na kaming mag-4th anniversary, umalis nanaman sila. Ugali kasi [niya na] ‘pag nag-aaway [kami ay] umaalis ng bahay na dapat [ay] hindi naman gawin. Nagkaroon nanaman kami ng tampuhan so umalis sila. ‘Yun ‘yung nag-La Union sila pero hindi sila nakapasok dahil lockdown. Maalala ko lang, birthday ni Obrie nun, nasa Patar kami. May babae don na fan pero nilalandi nanaman nung “Kim Gayo” na nakilala nila noon. So, nung nag-La Union sila nakakausap-usap pala nila ‘yun at pinapunta nila sa Manila dahil ‘di sila natuloy sa La Union [at] dumiretso nalang sila ng Manila. Nag-inuman nanaman. May dalawang babae nanaman na nagpunta sa kanila at nakipaglandian. Sabi daw nung Kim, “Pre, chat mo ‘yung babae na nakita natin sa Patar para ‘di sayang luwas natin.” Tapos ayun nga, pumunta ‘yung isang kakilala [na] parang nakalandian ng kapatid kong si Cholo who is bata pa at ‘di ko alam kung gaano kalakas ‘yung impluwensyang ginagawa nung Kim.
jamill 5
The female vlogger even dropped the names of the women involved.
Ang masakit pa dito, may halikan nanaman na nangyari [with] “Jaeanne Aligato” at sa ibang babae nanaman. So, 2 days akong umalis ng bahay non at nagmuni-muni pero hindi ako NAGLOKO or nakipagkita sa kung sino-sino dahil ang alam ko lang ay misunderstanding [ito] at nahilig si Jayzam sa alak dahil may pinagdadaanan din sya na never nya inoopen saakin. So, makalipas nanaman [ang] ilang panahon, naging okay nanaman kami. Pero, eto naman ‘yung time na wala na kaming kasamang Family sa bahay kaya wala nang gagabay, which is MALI dahil magulang talaga ang dapat pinakikinggan sa lahat. So, parang kami lang ni Jayzam ‘yung nanditong matanda sa bahay tapos lahat puro bata na–sila Obrie, Cholo, Adrian, Jasper, Kim at JD, tapos kami nga ni Jayzam. Puro inom [ang] nangyari, hanggang sa ‘yung bahay namin sobrang dumi na, sobrang gulo na. Nagkaroon nanaman [kami] ng problema at umalis nanaman [siya] ng bahay. Naging ugali ‘yung paalis-alis ng bahay bigla t’wing mag-aaway. So, nagpunta sila ng Tagaytay. Sobrang sakit lang na ‘yung nagtatrabaho samin [para mag]translate sa YouTube namin is nakakausap ni Jayzam.
jamill 6
The story only gets worse as Trinidad shares how Manabat broke her trust with him:
Hindi ako makapaniwala. Oo, aminin ko, lagi akong nagtatanong sa kanya kung “niloloko mo ba ako,” ganito-ganyan, kasi [bilang] babae, parang palambing lang ‘yun, diba? Dahil gusto natin ng assurance palagi. Pero sinasabi nya na hindi naman nya ko niloloko, so panatag ako. Hanggang sa akala ko nasa Tagaytay lang sila noon at naggagala pero may kinita nanaman [pala] at nakipag-inuman. Sobrang sakit lang dahil etong babae, hindi man lang naisip na may girlfriend na si Jayzam at nags** pa sila. Hindi ko lubos maisip na sya ‘yung babae na ‘yun. [Si] “Nyca Bernardo.” ‘Pag nag-uusap sila, nag ha-heartan pa ng chat. Ang sakit lang. Sana ikaw na yung umiwas kasi [nung] mga panahon na ‘yan, na-iimpluwensyahan si Jayzam, ‘di nya alam gagawin nya. Pero ‘yun nga, choice mo ‘yun, ika nga nila. Hindi ko kontrolado isip nya. Alam ko madami pang nangyari pero dati, nung wala pang nagdadala ng alak sa bahay, sobrang okay ng lahat. Nag-open na sakin si Jayzam ng lahat lahat ng pinanghuhugutan nya kasi ayoko [na] patagalin at gusto ko na ng sagot dahil ‘yun lang naman ang gusto natin, lalo na kapag alam mong nagmamahal ka ng totoo: “KASAGUTAN”
jamill 7
Despite being famous for their videos together, Camille says that she could not vlog about her affliction.
Sana next time, bago nyo gawin, isipin nyo muna ‘yung sakit na dadalhin [nyo sa] tao, ‘yung sakit na hindi madaling kalimutan. Oo, walang perpektong tao. God knows [that] nagpapasalamat ako kasi lumabas din [ang] lahat. Kaya siguro hindi ako mapakali palagi, kasi may ganito pala. Mabait pa din sa akin ang Diyos kasi nalaman ko [ang] lahat. Hindi ko na ito ivinideo kasi hindi ko kaya sa sobrang bigat.
jamill 8
The other half of JaMill admits the accusation by her girlfriend.
Inamin ko na lahat kay Camille. Ayaw ko nang gumaya sa iba na magtatago pa at itatanggi pa. Lahat ng sinabi ni Camille totoo [at] hinarap ko ng buo. Pasensya na sa mga nadismaya sa’kin. Naiintindihan ko po lahat ng hate at galit, deserve ko po [‘yun]. Wala nang ibang mas importante sa’kin kundi ang pamilya namin at si Camille. Sinabi ko na lahat sakanya, lahat po ng sinabi nya. Sakin po mismo nanggaling ‘yun at inaamin ko po lahat ng iyon bilang lalaki. Maraming salamat sa mga nag mamalasakit na nagchachat sa amin ngayon. Maraming salamat po. Sa pagkahulog namin, mas lalo naming nakikilala kung sinong nandito para sa amin at kung sinong totoo sa amin. Mahal na mahal kita Camille. ‘Di mo deserve ang Jayzam na kagaya ko.
Is this the end of JaMill? Share your thoughts with us in the comments.
Do you want us to feature your business, story, or video? Email me at gizelle.wheninmanila@gmail.com or send me a direct message at When In Manila Gizelle on Facebook. To keep up with the latest news, join our Viber group!