VIRAL: Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach’s Alleged Ex Tells All On A Secret Files Facebook Page

Miss Philippines 2015 Pia Wurtzbach has triumphed and has gone on to be Miss Universe 2015. In a pageant that both shocked and delighted the world, the 26 year old beauty has been crowned as the universe’s representation of beauty and grace– a woman who is “confidently beautiful with a heart.”

It is not surprising then that she has quickly become the country’s favorite personality. Anything and everything Pia has now become of interest to people in the online world. One such post that caught my eye would be this:

ust files wurtzbach

(View the original post on the UST Secret Files Facebook Page HERE)

The whole text reads:

Nung College Pa Kami ni Pia Wurtzbach 

Nene pa si Pia nung college. Oo, artistahin at eye-catching na ang ganda niya. Pero ‘di pa ganong kamature at karavishing

Nagkakilala kami sa waiting area ng LRT V. Mapa nung 2007. Noon pa lang, may poise na siyang kumilos. Mahilig siyang tumingin sa paligid, nagpapaganda siguro. Nakatapak siya sa yellow line, kaya pabiro kong sinabi sa kanya, “Ate, wag kang tatalon”. Tumawa siya. Ta’s yun. Nag-usap kami. At simula nun, pasimple na kong nanliligaw.

‘Di siya taga-uste. Nag-aral siya sa Center for Asian Culinary Studies sa San Juan. Ako, AB Economics sa UST. Artista siya sa ABS, pero minor roles lang. Kaya ‘di siya masasabing sikat.

Meeting place namin lagi sa SM Sta. Mesa, which is gitna ng San Juan at Espanya. Madalas kami manood ng mga corny at cheap romantic comedy sa sine. Tuwang-tuwa siya sa mga ganong palabas. Ako, ‘di ko trip. Pero nagpapanggap na lang na natutuwa para sa kanya. 

Lagi niyang sinasabi na magiging Miss Universe daw siya someday. Sasang-ayon na lang ako at makikiride. “Sure.” Pero ‘di talaga ko naniwala. Akala ko talaga, pang-university lang ang ganda niya. Never kong inexpect na aabot siya ng international.

Aaminin ko. Gago ako noon. ‘Di ko siya sineseryoso. ‘Di ako nag-eexert ng effort. Lagi ko siyang tinatake for granted. Madalas akong ‘di nagrereply. ‘Pag may lakad kami, minsan talkshit akong ‘di sumisipot. Napakagago. Inundervalue ko yung worth niya. 

Nung outing namin ng block, ginawa ko ang pinakainsensitive at heartless na pagkakamali. Nagkafling ako with my blockmate na kaclose ko. Napakabait ni Pia. Napakagandang personality. Iyak siya ng iyak nung nalaman niyang niloko ko siya. Nakipaghiwalay siya sakin. 

Kung gusto n’yo kong ibash, it’s okay. I guess I really deserve it. But that was 8 years ago. I learned a lot ever since. Yung next relationship ko, kinarma ako ng sobra. Ako naman yung ‘di sineryoso. Harap-harapang nanlalaki yung babae sakin. Bumalik sakin lahat ng panggagago ko. Narealize ko na sobrang mali yung ginawa ko. 

Siguro kinuwento ko ‘to para lang sabihin sa lahat ng mga lalaki na WAG MAGING GAGO. Kasi una, babalik sayo yun. At pangalawa, ‘pag ginago mo ang babae, gagawa at gagawa ng paraan yan para patunayan sayo na maganda siya. Na dapat respetuhin mo siya. Na dapat tratuhin mo siya na Miss Universe.

Guy With Regrets 
2007 
AB

Do you believe this? As of posting, newly crowned Pia Wurtzbach has not commented on this post. This may most possibly be just a work of fiction, nonetheless, we enjoyed reading and imagining a young Pia overcoming a heartbreak, later on becoming Miss Universe and an ex remorseful for everything.

[fb_instant_article_ad_01]?




Related Stories