Sa ika-7 at ika-8 ng Nobyembre 2024, samahan ang UP Lipunang Pangkasaysayan (UP LIKAS), isang organisasyong pangkasaysayan ng UP Diliman, sa kanilang ika-33 Pambansang Kumperensiya, ang โHalรญn: Pagsasakasaysayan ng Diaspora at Pandarayuhang Pilipino,โ na gaganapin sa UP Diliman Statistics Auditorium.
Bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng pagpapatupad ng labor migration policy noong panahon ng rehimeng Marcosโna nag-udyok sa maraming Pilipino na magtrabaho at manirahan sa ibang bansaโbabagtas ang kabuuang tema ng kumperensiya sa konsepto ng diaspora, o ang pag-alis ng mga Pilipino sa kanilang lupang tinubuan at ang kanilang pagkalat sa ibaโt ibang bahagi ng daigdig.
Kabilang sa mga paksang tatalakayin ay ang pagdalumat sa konsepto ng halรญn sa karanasang diaspora ng mga Pilipinong mandaragat. Pag-uusapan din ang kasaysayan ng pandarayuhan ng mga Pilipinoโmga mandaragat, ilustrado, pensionado, manggagawa, at expatriate mula sa panahong pre-kolonyal hanggang sa panahon ng Hapon. Gayundin, ang pandarayuhan ng mga Pilipino sa kontemporaryong panahon, kung saan masusing tatalakayin ang ebolusyon ng konsepto ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) bilang โBagong Bayani,โ mga Pilipino sa Kanlurang Asya, at mga polisiya ng pamahalaan para sa mga migranteng Pilipino at OFW.
Sa pamamagitan ng Pambansang Kumperensiya, magtitipon ang mga dalubhasa upang ilahad ang kanilang pananaliksik kaugnay sa paksa ng migrasyon o pandarayuhan mula sa lente ng kasaysayang Pilipino. Layunin ng organisasyon na higit na makintal ang kamalayang kasaysayan sa isipan ng mga delegadong mag-aaral, guro, at mga may hilig sa kasaysayan. Upang masiguro ito, titiyakin ang kalidad ng diskusyon sa bawat sandali ng kumperensiya. Panghuli, adhikain din ng organisasyon ang mas masigasig na paghikayat sa pag-aaral ng kasaysayan ng pandarayuhan, sapagkat ang diwa ng pagiging Pilipino ay lampas sa mga hangganan ng ating pambansang teritoryo.
Upang malaman ang iba pang detalye ng Kumperensiya at masundan ang mga kaganapan nito, mangyaring bisitahin ang Facebook page ng Kumperensiya sa link na ito: https://www.facebook.com/PambansangKumperensiyaUPLIKAS
Tungo sa isang kritikal at mas makabuluhang pag-aaral ng kasaysayan.