<

UP LIKAS itatampok ang ika-31 na Pambansang Kumperensiya ng Mga Mag-aaral ng Kasaysayan

Sa pagpapatuloy ng layunin ng UP LIKAS na ipalaganap ang isang kritikal at mas makabuluhang pag-aaral ng kasaysayan, at ipaabot ito sa sambayanan, itinatampok nito ngayong taon ang ika-31 Pambansang Kumperensiya na pinamagatang โ€œBanwรกโ€™an: Urbanismo at Kasaysayang Pilipinoโ€. Gaganapin ito sa Oktubre 22, Oktubre 29, at Nobyembre 5, na libreng mapapanood sa pamamagitan ng Zoom o Facebook Live via Pambansang Kumperensiya ng mga Mag-aaral ng Kasaysayan – UP LIKAS.

rsz 1kumpe title card 1

Kasabay nang unti-unting pagbubukas ng mga face-to-face classes sa mga paaralan at panunumbalik ng operasyon ng mga nagsarang industriya at negosyo ngayong “New Normal”, mahalagang tasahin ang kasalukuyang pangangailangan ng mga lungsod partikular ang Kamaynilaan para sa mas inklusibo at maayos na mga polisiya at sistema ng transportasyon, imprastraktura, sanitasyon, at serbisyong pampubliko para sa mga ordinaryong Pilipino. Sa pamamagitan ng lente ng kasaysayan at katuwang na mga larangan ng arkitektura, heograpiya, at pagpaplanong pang-urban, tatalakayin sa kumperensiya ang pangunahing tema ng urbanismo upang bumuo nang mas malalim na pagsusuri at pag-unawa sa kasalukuyang lagay ng urbanisasyon sa Pilipinas batay sa mga karanasan at pagbabagong-anyo ng mga pangunahing lungsod sa kasaysayang Pilipino.

 

Sa kabila ng new normal, ipinagpapatuloy ng UP LIKAS ang pagsusulong ng isang kritikal at mas makabuluhang pag-aaral ng kasaysayan. Makasaysayan ang kumperensiya sa taong ito dahil sa pangatlong pagkakataon ay isasagawa ito nang online at LIBRE ANG REGISTRATION.

 

Upang makadalo sa gaganaping kumperensiya, mangyaring magpatala sa link na ito: https://tinyurl.com/Banwaan2022RegistrationFormย 

 

Para sa mga katanungan at iba pang impormasyon, bisitahin at i-follow ang Pambansang Kumperensiya ng mga Mag-aaral ng Kasaysayan – UP LIKAS o mag-email sa uplikas@gmail.com.