UP LIKAS Itatampok ang ika-30 na Pambansang Kumperensiya ng Mga Mag-aaral ng Kasaysayan

Sa pagpapatuloy ng layunin ng UP LIKAS na ipalaganap ang isang kritikal at mas makabuluhang pag-aaral ng kasaysayan, at ipaabot ito sa sambayanan, itinatampok nito ngayong taon ang ika-30 Pambansang Kumperensiya na pinamagatang “Pindolangan: Kabuhayan, Kalakalan, Ekonomiya sa Kasaysayang Pilipino”. Gaganapin ito sa Oktubre 23, Oktubre 30, at Nobyembre 6, na libreng mapapanood sa pamamagitan ng  Zoom o Facebook Live via Pambansang Kumperensiya ng mga Mag-aaral ng Kasaysayan – UP LIKAS.

UP LIKAS Pindolangan event poster

Tatalakayin sa kumperensiya ang masalimuot ngunit makulay na kasaysayan ng Pilipinas, mula sa prekolonyal na lipunan hanggang sa kasalukuyang panahon, sa pangunguna ng mga iskolar at dalubhasa sa kasaysayang pang-ekonomiya ng ating bansa.

 

Sa kabila ng new normal, ipinagpapatuloy ng UP LIKAS ang pagsusulong ng isang kritikal at mas makabuluhang pag-aaral ng kasaysayan. Makasaysayan ang kumperensiya sa taong ito dahil sa unang pagkakataon ay isasagawa ito online at LIBRE ANG REGISTRATION.

 

Upang makadalo sa gaganaping kumperensiya, mangyaring magpatala sa link na ito: tinyurl.com/PindolanganRegistrationForm 

Para sa mga katanungan at iba pang impormasyon, bisitahin at i-follow ang Pambansang Kumperensiya ng mga Mag-aaral ng Kasaysayan – UP LIKAS o mag-email sa uplikas@gmail.com.