UP KAPPP: Ipinagdiriwang ang Kanilang Ikalabinlimang Anibersaryo Ngayong Oktubre

UP KAPPP Pubmat (1)

 

Agawan-base, langit-lupa, tagu-taguan, ten-twenty, teks, pogs…mga paborito nating gawin noon kasama ang ating mga kaibigan. Naaalala mo pa ba kung gaano kasayang laruin ang mga ito? Tara na’t balikan natin kung gaano kasarap maging batang Pinoy! Sa ikalabinlimang anibersaryo ng UP Kalipunan Para sa Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino (UP KAPPP) kasama ang BUKLOD CSSP at siya ring inihahandog sa inyo ng KALikha: Kasama ka sa Paglikha ng Arte at Literatura Para sa Bayan at UP Buklod-Isip, ating muling bubuhayin ang mga larong Pilipino na lalong nagpasaya sa ating mga karanasan noon, nagturo sa ating maranasang matalo at manalo ng ilang beses, at nagpaigting ng marka ng ating pagiging Pilipino sa ating pagkabata.

Inaanyayahan ang lahat na maki-KINSElebrasyon kasama ang UP KAPPP sa mga kaganapang inihanda ng organisasyon para magbigay-pugay sa mga larong sariling atin. Makisalo sa aming Pista ng Pagkaing Pilipino sa ika-9 ng Oktubre, Biyernes ng ika-4 ng hapon sa Palma Hall Basement Common Area. Samantala, abangan ang aming Patsuper sa ika-13 ng Oktubre at HULA Quiz Bee sa ika-22 ng Oktubre. Iniimbitahan din ang lahat na pumunta sa aming ACLE sa ika-15 ng Oktubre na pinamagatang “Walang Makakapigil sa Akin: Ang Epekto ng Media sa Buhay ng Madlang Pipol”, at sa Anniversary Forum sa ika-29 ng Oktubre sa PH 400! Para sa karagdagang impormasyon, maaari lamang na bisitahin ang aming facebook page www.facebook.com/upkappp.