Inihahandog ng Teatro Tomasino, ang premier theater guild ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang pagtatanghal ng dalawang dula na malikhain at sumusuri sa pagkawala ng katarungan sa hanay ng mga manggagawa. Ang Kontrata Kontra Tao ay dalawang dulang tumatalakay sa peligro ng trabahong marahas — isang Twin Bill na binubuo ng “Joe Cool: Aplikante” ni Joshua Lim So at “Absurdo: Event Day” ni BJ Crisostomo, sa direksyon nina Ingrid Joyce, Angel Ocampo, at Marga Alfar.
Sa panahon kung saan patuloy na laganap ang karahasan sa sistema ng trabaho, ang produksyon ay nagsisilbing tulay upang mabigyang-pribilehiyo ang mga manonood na maunawaan kung paano unti-unti at kolektibong mabubuwag ang kapaitang matagal nang naka-ukit sa proseso ng pagtrabaho.
Ngayong ika-48 taon ng Teatro Tomasino, muling naipamamalas ang talento at kasanayan sa larangan ng sining sa pamamagitan ng pagsunod sa temang “Sibol” — na may layuning pagyamanin ang kakayahan na maging alas ng sining sa bawat yugto at bawat puso. Kung kaya’t ang pagbibigay-buhay sa Twin Bill na ito ay bunga ng pagsibol ng masining at makabuluhang pagkamit ng kaginhawaan sa hangin ng trabahong patuloy na pumipiring at humahadlang.
Ang Kontrata Kontra Tao ay itatanghal sa Nobyembre 13 (12 n.h., 3 n.h., at 6 n.g.), Nobyembre 14 at 15 (10 n.u., 12:30 n.h., 3 n.h., at 6 n.g.), at Nobyembre 16 (11 n.u., 2 n.h., at 5 n.h.) sa Miguel de Benavides Auditorium, University of Santo Tomas.
Para sa mga ticket inquiries at karagdagang detalye, bisitahin ang Teatro Tomasino – UST sa Facebook at Instagram o lapitan sina Kervin Nobleza (0915 123 5959) at Christian Ayque (0905 364 0166).
Ang produksyon na ito ay sinusuportahan ng mga sumusunod: MEDIARTRIX – UST, Thomasian Film Society, DLSU Harlequin Theatre Guild, Dulaang ROC, MINT Creatives, Rotaract Club of UST – Central Chapter, Studio 53 – NU Laguna, Tanghalang Batingaw, Teatro Lasalyano – Laguna, Teatro Rizal, The UP Repertory Company, UST SHS MAD Society, UST Microbiology Society, UST Scarlet Commerce, ViARE, 933 Creatives, Aido Care, ALiCOM, Dolce Philippines, FS Features and Shades, Fashion21 Cosmetics, HomeRoom Co-Working and Study Lounge, Motociclo Cafe, Tinapayan Festival, Wendy’s Philippines, Zandhat’s Food Express, Dairy Queen, Takeout PH, Jollibee, Mang Inasal Philippines, Champ Takoyaki & Waffles, Linelle’s Catering, When In Manila, Teatré Phileo, The New Channel, Tinik ng Teatro – Adamson University, at Wazzup Pilipinas.
For media partnerships, possible features or other inquiries, you can find answers on our "Frequently Asked Questions" (FAQ) page here - WhenInManila.com/faq
Teatro Tomasino Binubuksan Ang Ika-48 Taong Panahon Nito Sa Produksyong “Kontrata Kontra Tao”
Inihahandog ng Teatro Tomasino, ang premier theater guild ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang pagtatanghal ng dalawang dula na malikhain at sumusuri sa pagkawala ng katarungan sa hanay ng mga manggagawa. Ang Kontrata Kontra Tao ay dalawang dulang tumatalakay sa peligro ng trabahong marahas — isang Twin Bill na binubuo ng “Joe Cool: Aplikante” ni Joshua Lim So at “Absurdo: Event Day” ni BJ Crisostomo, sa direksyon nina Ingrid Joyce, Angel Ocampo, at Marga Alfar.
Sa panahon kung saan patuloy na laganap ang karahasan sa sistema ng trabaho, ang produksyon ay nagsisilbing tulay upang mabigyang-pribilehiyo ang mga manonood na maunawaan kung paano unti-unti at kolektibong mabubuwag ang kapaitang matagal nang naka-ukit sa proseso ng pagtrabaho.
Ngayong ika-48 taon ng Teatro Tomasino, muling naipamamalas ang talento at kasanayan sa larangan ng sining sa pamamagitan ng pagsunod sa temang “Sibol” — na may layuning pagyamanin ang kakayahan na maging alas ng sining sa bawat yugto at bawat puso. Kung kaya’t ang pagbibigay-buhay sa Twin Bill na ito ay bunga ng pagsibol ng masining at makabuluhang pagkamit ng kaginhawaan sa hangin ng trabahong patuloy na pumipiring at humahadlang.
Ang Kontrata Kontra Tao ay itatanghal sa Nobyembre 13 (12 n.h., 3 n.h., at 6 n.g.), Nobyembre 14 at 15 (10 n.u., 12:30 n.h., 3 n.h., at 6 n.g.), at Nobyembre 16 (11 n.u., 2 n.h., at 5 n.h.) sa Miguel de Benavides Auditorium, University of Santo Tomas.
Para sa mga ticket inquiries at karagdagang detalye, bisitahin ang Teatro Tomasino – UST sa Facebook at Instagram o lapitan sina Kervin Nobleza (0915 123 5959) at Christian Ayque (0905 364 0166).
Ang produksyon na ito ay sinusuportahan ng mga sumusunod:
MEDIARTRIX – UST, Thomasian Film Society, DLSU Harlequin Theatre Guild, Dulaang ROC, MINT Creatives, Rotaract Club of UST – Central Chapter, Studio 53 – NU Laguna, Tanghalang Batingaw, Teatro Lasalyano – Laguna, Teatro Rizal, The UP Repertory Company, UST SHS MAD Society, UST Microbiology Society, UST Scarlet Commerce, ViARE, 933 Creatives, Aido Care, ALiCOM, Dolce Philippines, FS Features and Shades, Fashion21 Cosmetics, HomeRoom Co-Working and Study Lounge, Motociclo Cafe, Tinapayan Festival, Wendy’s Philippines, Zandhat’s Food Express, Dairy Queen, Takeout PH, Jollibee, Mang Inasal Philippines, Champ Takoyaki & Waffles, Linelle’s Catering, When In Manila, Teatré Phileo, The New Channel, Tinik ng Teatro – Adamson University, at Wazzup Pilipinas.
About The Author

Related