“Taos Pusong Nagmamahal, Rosie” Brings a Heartfelt Story to the Stage

Sa makulay at buhay na kalsada ng Dangwa, matatagpuan ang Davino Apartment, isang tahanan ng mga mag-anak na nagtataglay ng mga alaala at pagmamahal na iningatan sa paglipas ng panahon. Sa loob ng apartment na ito umuusbong ang kuwento ng Taos Pusong Nagmamahal, Rosie, ang ika-49 na Post-Anniversary Production ng Tanghalang Batingaw.

Taos Pusong Nagmamahal Rosie

Isinulat ni Elmo Lozada at idinirek nina Rowell Camat at Jasmine Tabuena, ang dula ay isang masinsin at masalimuot na pagninilay sa mga ugnayan at relasyon na nabubuo sa loob ng isang komunidad. Dito matutunghayan ang mga lihim na itinatago, mga pag-ibig na hindi nasabi, at mga pusong patuloy na umaasa at naglalakbay sa pagitan ng mga hamon ng buhay. Katulad ng isang bulaklak sa Dangwa, ang bawat karakter ay naglalarawan ng paglago, pagkalanta, at muling pagsibol.

Itatanghal ang Taos Pusong Nagmamahal, Rosie sa LPU JPL Hall of Freedom sa mga sumusunod na petsa at oras:

Enero 23, 2026 at Enero 24, 2026
1:30 PM – 3:00 PM
4:30 PM – 6:00 PM

Ang produksyon ay naglalayong magbigay ng makulay at makatawang karanasan para sa mga manonood na naghahanap ng dulang tapat sa damdamin at may makulay na kuwento. Ang mga tiket ay maaari nang bilhin sa presyong:

PHP 120 para sa Lyceans
PHP 200 para sa Non-Lyceans at Alumni
PHP 300 para sa VIP (Front Seats)

Para sa tiket at karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://forms.gle/39q2n5rCyrYNLEbK9

Leave a Reply

WHEN IN MANILA

WIM IN DAVAO

WIM IN THAILAND

WIM IN KOREA