READ: “Yung Demokrasya Mo, May Kaakibat Na Responsibilidad!”

When in Manila, elections have just concluded and we now have newly elected public officials. In a status posted before the elections, Facebook user Denise Congco Wuethrich reminds us:

Nasa atin ang solusyon sa tunay na progreso. Nasa pagsunod sa mga batas. Nasa pang-araw-araw na pagdisiplina ng sarili. Nasa awareness na ang kahihiyan ng isa ay kahihiyan ng bawat Pilipino. Nasa kaalaman na hindi natin maiaasa ang ating kinabukasan sa kamay ng presidente o bise-presidente. Sa atin nakasalalay ang ikagaganda at ikaaayos ng ating bansa. 

This message is still as relevant as ever. Read the whole thing here:

Denise wuethrich Denise wuethrich2 Denise wuethrich3

Full text:

Kahapon sa pila ng Jetstar Airlines sa Japan:

Dalawang Pilipina ang nasa counter para magcheck-in.

Jetstar employee: Your carry-on is overweight. Only 7kg per person please.

Filipina 1: Can’t it be combined with my friend’s? 14kg for the both of us?

Jetstar Employee: Only 7kg per person please. Separate please. Kindly step aside and rearrange please.

Filipina 2: But can’t it be combined? Total 14kg? 

Jetstar employee: Separate please. 7kg PER person please. 

Filipina 1: But we travel together. Just add total weight. 

Jetstar Employee: Ma’am, please. 7kg per person because you are not considered one family and it says clearly on the rules: 7kg per person. Even if I combine, bags are still overweight. The line is already long. Kindly cooperate.

The Filipinas took so long to move aside. There was a foreigner who checked in after them, no problem. Another batch of 4 Filipinos lined-up.

Jetstar Employee: Only 7kg total hand-carry per person please.

Filipino 1: Oh, magrearrange na kayo ngayon. 7kg per person daw.

Filipino 2: Ang arte naman nyan! Pwede naman kahit 8-9kg per person. Yung iba pinapalagpas naman.

Filipino 3 to JE: Can’t we combine? Just weigh everything and see if total is ok? 

Jetstar Employee: Sorry, only 7kg per person. Cannot combine. Cannot add. Cannot exceed. 7kg per person only. Please step aside because you are all blocking the way.

Same day while walking up the stairs of the plane during boarding: There was a dad who wanted to enter the plane with his kid who was in front of me. I gave way and made space for him. The Filipino behind me murmured: Bakit mo pinasingit? I looked back at him and said: “Kasi, Kuya, hindi masamang magbigay lalo na kung para samahan nya yung bata. Wag ka mag-alalala, kahit mauna sila sa pila, sabay-sabay din tayo makakalipad kasi iisa lang ang eroplano natin. 

Silence.

Naisip ko lang kanina na kahit gaano kadisente ang magiging presidente natin, hindi niya kayang pagtakpan ang lahat ng mga nakakahiyang ginagawa natin sa pang-araw-araw na pamumuhay. Simple instruction, we cannot follow. 7kg, hihingi ng 8kg. Napagsabihan na, ipipilit pa. Bakit tayo ganon?

Kahit siguro berdugo pa ang maging presidente natin, kung ang mentalidad natin ay laging makalamang sa iba, hindi tayo uunlad bilang isang bansa. 

Kung laging pansariling convenience lang ang aatupagin natin, paano aayos ang Pilipinas?

Dito lang ako nakakakita ng buong barkada ang nakatambay sa escalator para magkwentuhan. Mano bang magkeep right para yung mga nagmamadali ay makadaan sa left? Dito lang talaga na pagnagsignal ka sa kotse mo pakanan, imbis na maggive way sayo, uunahan ka pa nung nasa likod mo.

Magising tayo. Nasa atin ang solusyon sa tunay na progreso. Nasa pagsunod sa mga batas. Nasa pang-araw-araw na pagdisiplina ng sarili. Nasa awareness na ang kahihiyan ng isa ay kahihiyan ng bawat Pilipino. Nasa kaalaman na hindi natin maiaasa ang ating kinabukasan sa kamay ng presidente o bise-presidente. Sa atin nakasalalay ang ikagaganda at ikaaayos ng ating bansa. Pag may linya, pumila. Kapag lumabag sa traffic rules, magpahuli at wag magbigay ng lagay sa enforcer. Nagkamali ka eh, wag kang makulit! Kapag walang pedestrian sign, utang na loob, wag kang tumawid! Doon ka sa footbridge! Kapag red light, wag kang tanga. Huminto ka. Wag mong saraduhan yung intersection.

Ano ba ang magagawa natin para umayos naman ang bansa natin? Simple lang eh. Magkaroon ng MALASAKIT para sa bawat isa at para sa bayan. Common sense nga dapat yan eh. Nakakaiyak na kailangan pa nating magstatus ng mahaba para sa isang napakasimpleng konsepto. Walang absolute freedom. Yung demokrasya mo, may kaakibat na responsibilidad. Umayos ka!

Do you agree with her?






Related Stories