Inog, isang pang-akademikong produksyon na naglalayong ilantad ang katotohanan sa likod ng mga maling paniniwala sa kasaysayan. Binubuo ng mga mag-aaral ng Bachelor of Performing Arts (BPeA) – Major in Theater Arts mula sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) – Sta. Mesa, Manila, buong pagmamalaking itatanghal ang “Kalantiaw: Kagila-gilalas na Kasinungalingan Tungkol sa Isang Kayumangging Bayan” ni Rene O. Villanueva.

Isang masidhing dulang handog bilang bunga ng kanilang paglalakbay sa sining at katuparan ng kanilang tesis (PEAR 403: Thesis Recital – Production and Documentation), sa ilalim ng patnubay ni Asst. Prof. Davidson G. Oliveros, sa direksyon nina Emma Esguerra at Mark Rosadeño, na isasalaysay sa pamamagitan ng mga prinsipyo ng Poor Theatre ni Jerzy Grotowski.
Gaganapin ang pagtatanghal sa PUP Institute of Technology – AVR, Sta. Mesa, Manila, sa darating na Mayo 14 at 15, 2026.
Bilang bahagi ng pagtatanghal, tampok ang mga thesis proponents mula sa Performance Track na sina Fei Angeline Aranas (Pagganap), Kelly Clariss Burcia (Pagganap), Jhon Collins Catubig (Pagganap), Rio Karl Cerdeña (Pagganap), Tess Analyn Marasigan (Pagganap), at mula sa Management Track na si Erica May Camacho (Pamamahala ng Entablado).
Sa ilalim ng kanilang pagganap, umiikot ang dula sa kwento ni Jose E. Marco—isang mapanlinlang, huwad, at mapagmalabis na pigura—isang arkitekto ng “katotohanan” habang pilit na niyayakap ng isang bansang kolonyal na uhaw sa sariling pagkakakilanlan.
Susundan ng dula ang sikolohikal na paglalakbay ni Marco, na magsisilbing isang teatrikal na awtopsiya, habang masusing nililikha ang mitong si Datu Kalantiaw. Sa paghuhubad ng “tradisyonal” na nakagawian ng pagtatanghal, at upang magbigay-daan sa “banal” na pagsasakripisyo ng mga aktor, bubuhayin ng produksyong ito si Marco habang sinisiyasat ang pagitang maghihiwalay sa malikhaing pag-iisip at sa kasalanang may paglapastangan sa kasaysayan.
Isinagawa ang produksyong ito sa pakikipagtulungan sa PEAR 209: Production Management ng BPeA 2-2, sa ilalim din ng patnubay ni Asst. Prof. Davidson G. Oliveros.
Bilang isang pang-akademikong produksyon, ito ay isang kolaboratibong gawa ng mga mag-aaral at alumni.
Artistic Team
Direksyon: Emma Esguerra at Mark Rosadeño;
Dramaturhiya: Danica Layne A. Reyes;
Pagganap: Fei Aranas, Kelly Burcia, Jhon Collins Catubig, Rio Karl Cerdeña, at Tess Analyn Marasigan;
Direksyong Panteknikal at Tagapangasiwa ng Ilaw: Tris De Andres;
Katuwang sa Direksyong Panteknikal: Cenon Pecayo at Lianah Marie B. Mangi;
Disenyo at Tagapangasiwa ng Tunog: Ysabela;
Punong Tagadisenyo ng Lathala at Grapiko: Mark Rosadeño;
Kawani ng Disenyo ng Lathala at Grapiko: Keen Encomienda at Jet Layman.
Production Team
Punong Tagapamahala ng Produksyon: Redz Quiseo;
Kawaksing Tagapamahala ng Produksyon: Shanigay Robledo;
Katuwang sa Tagapamahala ng Produksyon: Allexis Yumang at Ysabela;
Punong Tagapamahala ng Merkado at Lathala: Jezreel Jumilla at Cass Agad;
Kawani ng Merkado at Lathala: CA Lorenzo, Chariz Cudog, at Bianca B. Comparativo
Backstage Team
Punong Tagapamahala ng Entablado: Erica May Camacho;
Kawaksing Tagapamahala ng Entablado: Jhenyl Pangantihon;
Katuwang sa Tagapamahala ng Entablado: Nicole Fajardo;
Punong Tagapamahala ng Set at Props: Mark Nuñezca;
Kawani ng Set at Props: Ruella Solo, Erick James Pagaduan, at Liberty Anastacio;
Kawani ng Kasuotan, Buhok, at Kolorete: Jezreel Jumilla at CA Lorenzo
Tatakbo ang produksyon sa loob ng dalawang (2) araw: Mayo 14 sa ganap na 11:00 ng umaga at 2:00 ng hapon, at Mayo 15 sa ganap na 10:00 ng umaga at 1:00 ng hapon na susundan ng Talkback. Libre ang tiket para sa lahat ng manonood. Para sa sa mga katanungan at iba pang detalye, bisitahin ang kanilang opisyal na Facebook page: https://www.facebook.com/share/1EbwaRC7fW/?mibextid=wwXIfr.
