Ang pag-alpas ay nagpapahiwatig ng pagkawala o paglaya. Parte tayo ng lipunan kung saan may diskriminasyon sa iba’t ibang kasarian lalo na kung ika’y babae, bakla o lesbiyana. Kaya oras na para tayo’y kumalas sa mapanghusga at mapang-api na sistema.
Inihahandog ng Sigma Dellta Pi Sorority ang Pag-alpas: Pagkalas sa Sistemang Patriyarkal. Isa itong gabi ng awit at tula na tatalakay sa ibaโt ibang isyung may kinalaman sa diskriminasyon sa ibaโt ibang kasarian. Makakasama natin ang mga primyadong spoken-word artists mula sa Words Anonymous at White Wall Poetry pati na rin ang mga mahuhusay na mangaawit at makata (poets)ย mula sa Unibersidad ng Pilipinas Maynila.
Ito ay gaganapin sa ika-2 ng Setyembre, biyernes mula 5 ng hapon hanggang 10 ng gabi sa Student Center ng Kolehiyo ng Agham at Sining, Unibersidad ng Pilipinas Maynila. Iniimbitahan namin kayo na dumalo. Ipakita natin ang ating suporta para sa pantay-pantay na pagtingin ng lahat ng miyembro ng lipunan, anuman ang kasarian.
Nais naming pasalamatan ang mga sumusunod na partner orgnizations:
- Katribu
- UP Polis
- SoComsci
- Daebak UPM,
- MingganUPM
- UP Yearn
At isang malugod na pasasalamat sa aming media partner, WhenInManila.com