When in Manila, it is impossible not to see different forms and styles of art. With the increasing number of artists and art enthusiasts who are making the local art scene thrive like it had never been before, the possibilities are endless.
As we are on the look for new talents out there, we came across this Instagram account called Furamengo. Its feed instantly caught our attention with its artworks that are inspired by popular shows, such as Adventure Time, The Simpsons, Star Wars and a lot more.
And so, we reached out to the person behind the account and we managed to score a quick interview that will allow us to better understand Furamengo.
What is Furamengo?
Ang Furamengo ay isang persona na ginawa ko sa Instagram para mai- share yung yung skills ko sa photoshop at sa pag guhit. Gumagawa ako ng art para ma express yung sarili ko, kadalasan yung mga ginagawa ko galing sa random ideas na bigla na lang pumapasok sa isip ko, intensyonal kong hindi ko nilalagyan ng description bawat artwork dahil hinahayaan ko sila yung magbigay ng sarili nilang interpretation mula sa nakita nila madalas din kasi ako makapulot ng ideas sa mga nasasabi nila na nagagamit ko sa mgaย susunod kong artwork.
Nung grade school ako sobrang nakahiligan ko ang pag guhit ng anime sa likod ng notebook ko at naisip ko na subukan i โ apply natutunan ko sa illustrator/photoshop at makagawa ng sarili kong versions ng anime at cartoon characters na paborito ko. Malaking part ng account ko yung fan art bilang suporta at pagpapalawak ng kaalaman ko dito sa paggawa ng art para sa kanila.
Why Furamengo?
Galing sa โFlamingoโ yung username ko na furamengo. May napakinggan ako na band na yung music nila is influenced by J-pop music, binibigkas nila yung flamingo as furamingo, tumatak na sa isip ko yung word tapos doon ko na din nakuha yung idea para sa username. Dapat โpwersangtinapayโ yan kasi username ko yun sa mobile app game ko kaso natakot ako baka maging nickname ko e โpwersaโ sakto din naman nun na pinapakinggan ko yung song kung saan ko nakuha yung furamengo, pinalitan ko ng โeโ yung โiโ kasi may iba na nag-mamay ari nung account na yun.
When did you start?
Nag start ako year 2015 nun nagtatrabaho ako bilang pahinante sa delivery van namin, hindi kasi araw araw may idedeliver kami e so sa libreng araw ko nag aral ako mag photoshop at illustrator tapos sinubukan ko mag e-edit edit ng pic ko, nilalagyan ko ng tattoo kasi bawal daw ako magpatattoo sabi ng nanay ko haha hanggang napagtanto ko pwede ko i-apply yung mga natutunan ko sa paguhit para na din magka extra income ako sa pagggawa ng ilang designs pambayad sa ilang bills sa bahay at para makaipon na din sa pagbalik ko sa school.
Why Simpsons and Adventure Time-inspired art?
Fan talaga ako ng mga shows na iyan kaya naisipan ko nuon gumawa ng art na inspired mula sa kanila katuwaan lang tapos napansin ko na may nakaka appreciate na iba bukod sa akin so natuwa naman ako lalo na pag may nagagawan ako ng fan art pakiramdam ko magkakasama kami sa mundong yun haha. Madalas din ako gumawa ng mga anime version ko basta mga napapanood ko sa tv shows or movies.
What pushed you to start this kind of art and the page?
Nagsimula kasi lahat noong bumili yung nanay ko ng pang display sa lamesa namin, flower vase yung base niya at sanga ng punong kahoy yung nagho- hold sa mga sunflower na nakatali sa katawan nito, sobrang weird ng dating sakin nun pero nagagandahan ako, doon na nagsimula maglaro yung imagination ko sa kung ano pang bagay pwede ko pagsamahin na weird tingnan pero magugustuhan ko. Sa Instagram ko siya ina- upload kasi natutuwa ako i-arrange sila dun para silang koleksyon ko sa isang malaking cabinet gusto ko kasi magkaroon ng ganun nuon pa haha.
Any further plans? Workshops? Merchandise?
Nag try ako magbenta ng ilang t-shirts pero hindi kinaya ng schedule ko lalo na nitong naka graduate ako nahahati na oras ko sa pagrereview at pag pa- practice magdrawing. Gusto ko sana talaga magturo sa iba kung sakaling may interesado kung paano ko ito nagagawa, kaso ako mismo naniniwalang madaming madami pa kailangan i- improved kaya sa ngayon pag may nagtatanong sakin madalas tips lang nabibigay ko kasi yun pa lang alam ko kaya ko maibigay. Siguro pag confident na ako sa mga artworks ko ako naman magtuturo sa iba mas maganda yung nakikita mo din sila natututo at nagkakaroon ng bagong libangan.
Anything else you want to add?
Nakakatuwa ngayong panahon na ito kasi madami na nag lalabas ng emotion at thoughts nila sa pamamagitan ng art. Nung simula hindi ko naman talaga ineexpect na madaming makakapansin sa mga gawa ko, kaya hanggang ngayon overwhelmed pa din ako sa dami ng mga nakaka- appreciate ng gawa ko, madami ako nakikita na mas magaling pa talaga sakin at mas creative kaya sobrang nagpapasalamat ako sa lahat ng nakaka appreciate, sana e gaya ko mabigyan din nila ng time bisitahin yung mga kagaya ko din na maliliit na art account para makapagpalitan ng kaalaman at talento.
If you also know other promising talents, feel free to share them with us at yza.wheninmanila@gmail.com. Letโs help our local artists get the attention and support that they deserve!
Did you also like Furamengoโs artworks? Tell us in the comments.