LOOK: Chito Miranda Posts Heartfelt Message Paying Homage to His Wife and All Mothers

Chito Miranda, Parokya ni Edgar’s frontman, is not one who shies away when expressing his feelings about his wife, Neri, and his whole family.

Recently, he posted a heartfelt albeit rather long message on his Facebook page paying homage to what Neri does for their baby, Miggy, and for all mothers in general.

He said:

chito-miranda-neri-miggy

Saludo talaga ako sa mga nanay.

Tuwing nakikita ko yung pagod at hirap ni Neri sa pag-alaga ng anak namin, honestly naaawa talaga ako sa kanya.

Nakita ko kasi kung gaano ka-physically demanding and emotionally draining yung buong process mula sa pagbubuntis at panganganak, hanggang sa pag-alaga ng baby.

Nahihiya talaga ako na hindi ko kayang mapantayan yung hirap na pinagdadaanan nya. Yung tipong kung pwede sanang ako nalang ang mahirapan basta makapag-pahinga lang sya, gagawin ko talaga.

And nakakabilb kasi kahit gaano sya kapagod at antok, at kahit masakit na yung katawan at masama na yung pakiramdam nya, kahit di pa sya fully recovered, she takes everything in stride and does everything with so much love and energy, mapapa-isip ka talaga kung saan nanggagaling yung lakas nya.

Buti talaga nandito ngayon sa Tagaytay yung mom ko, yung biyenan ko, tsaka yung bestfriend ni Neri, kasi malaking bagay talaga na may tumutulong kay Neri mag-alaga kay Miggy kasi kahit paano nakakapag-pahinga sya.

Pero I’m sure all moms would agree pag sabihin ko na iba pa rin talaga yung demand sa mommy mismo kahit gaano pa kadami yung mga tumutulong sa kanya.

Tulad ng pagpapa-breastfeed at kung nagdemand na mag-latch si Miggy, si Neri lang talaga ang pwede gumawa nun kahit gaano pa sya kapagod, kahit gaano pa kasakit yung nipples nya.

Jusko…nakaka-awa talaga.

Kaya bilang asawa, ginagawa ko nalang lahat ng pwede kong gawin to make everything as easy and as pleasant as possible for Neri. Masahe hanggang makatulog. Luto ng oatmeal. Timpla ng Milo. Hayaan na sya pumili ng channel.

Ginagawa ko rin lahat ng magagawa ko, tulad ng paghugas ng baby bottles, palit ng diaper, or pagtiklop at paghanda ng mga damit ni Miggy, para kahit paano makatulong ako sa mom at sa biyenan ko, at sa bestfriend ni Neri, na mabawasan yung mga ginagawa nila.

Pero sa totoo, kulang na kulang pa rin yun compared sa ginagawa at pinagdadaanan ng asawa ko…but the thing is, Neri never made me feel kahit konti, na kulang yung ginagawa ko.

Sa katunayan, sya pa yung nahihiya sa akin kasi di nya daw ako masyado naaasikaso.

For Neri, masaya lang sya basta na may baby na kami.

Saludo.

Anything to add to this story? Share your thoughts with us.






Related Stories