<

Kahit pandemya ay hindi makakapigil sa ika-6 na taon ng Kabataan Roadtrip!

Ang Kabataan Roadtrip 2020 ay ang pinaka-malaking forum at competition series sa Pambansang Dalubhasaan ng Pampublikong Administrasyon at Pamamahalang Pambayan ng UP Diliman. Ito ay naglalayong ipakilala ang larangan ng Pampublikong Administrasyon, at ang kahalagahan ng pag-aaral nito, sa mga kabataang kasalukuyang nag-aaral sa high school.ย 

0

Walang pandemya na makakapigil sa pang-anim na taon ng KR, kaya naman ito ay idaraos sa online na platform. Kaakibat nito ang paninindigan na ang edukasyon ay karapat-dapat na libre at abot-kaya para sa lahat ng mag-aaral. Naniniwala ang KR na lalo na sa panahong ito, importante na makita ang halaga ng Pampublikong Administrasyon bilang isang mabisang kasangkapan sa pagpapabago ng lipunan.

Ang tema ng KR 2020 para sa taong ito ay “The Intersection of Public Health and Public Administration in Addressing the Pandemic”. Alinsunod dito, tatalakayin sa forum series ang mga paksang nagpapaliwanag sa mga sumusunod: Public Administration, Public Health amidst the Pandemic, at Policy making and Consultation of Affected Sectors during the Pandemic. Matapos ang forum series, magsisimula ang mga submission-based online contests sa sumusunod: Essay Writing (English), Pagsulat ng Tula (Filipino), at Poster Making (Digital and Traditional Mediums).ย 

Kaya kabataan, ano pa ang hinihintay niyo? Kilalanin ang Pampublikong Administrasyon! Sumama sa Kabataan Roadtrip 2020!