INSPIRING: Cab Driver Returns Phone, Netizen Gives Him ‘Token’ for Daughter’s Birthday Celeb

Just when a netizen thought that only inspiring stories like this happen on Facebook, it happened to him.

According to Engel Bert, as shared by Unofficial: Ronald “Bato” Dela Rosa Solid Supporters on Facebook.

Akala ko sa Facebook lang talaga nag-eexist mga ganitong tao, hindi ko inexpect na ma-eexperience ko din ito.

Driver returns phone (1)

Kanina pauwi kami sa Makati, wala ko ma-book sa Grab, kaya pumara na lang kami sa labas. Sakto dumaan si kuya. Sinakay niya kami, tapos pagbaba sa tapat namin, nagbayad na kami, “keep the change” kasi mabait naman si Manong. Tapos lumipas na mga 30-45mins nung napagtanto ko na nawawala yung cellphone ko. Sad, bago pa kasi un. Pero di ako kinabahan, feeling ko talaga mabait si Manong, and hopefully siya nga makapulot ng cp ko hindi ibang pasahero. Almost 3hrs na, tri-nay namin tawagan ulit sa CP ko, ayun! May sumagot! Si manong! Tapos sabi nya muntik na daw niya ibigay dun sa pangalawang pasahero kasi akala niya sa kanila ‘yun. Ibabalik na niya sana dun sa huling pasahero, sakto pag tawag namin, sinagot niya, kaya nalaman niya kung kanino talaga ‘yun. Ininsist namin na kami na kukuha dun sa garahian nya sa Caloocan kasi sympre nakakahiya, pero sabi niya idadaan na lang daw niya ulit dun sa Boni kung saan niya kami sinakay. Super thankful talaga kami! Kasi magkano ung presyo ng phone di ba?

So heto na nga, hinatid ngayon lang ni manong yung cellphone ko. Binigyan namin siya ng token of appreciation. Kasi abala pa sa byahe niya, at symepre sa honesty ni manong na bibihira na ma-encounter sa panahon ngayon.

Driver returns phone (2)

Nagtext si manong, siya pa nagpasalamat, dahil daw sa amin mahahandaan niya ng birthday ‘yung anak nya bukas.

Driver returns phone (3)

THANK YOU MANONG and HAPPY BIRTHDAY PO BUKAS SA ANAK NIYO!😀

Kudos Manong!

Any inspiring stories that you have? Share them with us!






Related Stories