INSPIRING: A Heartwarming Letter of Gratitude to a Childhood Babysitter

Who took care of you when you were younger?

Most of us, our parents. Those whose parents have full-time jobs or had to work abroad might have been left in the care of babysitters, usually close family relatives.

One of our readers, Daryl Like, sent us this heartwarming letter of gratitude he made for his childhood babysitter, Mama Lyn.

Letter to Babysitter

Wag mo siyang kalimutan.

Magpasalamat ka kasi inalagaan ka niya noong bata ka pa, mahina na ang katawan niya, hindi na kayang mag trabaho walang anak na mag aalaga, sobrang malungkot, minsan nag iisa, ang tanging kasama nya lang madalas ang kanyang asawa at mga alagang aso.

Ngayong may edad ka na at kayang buhayin ang sarili at pamilya nakalimutan mo na siya.

Dadaan ka, natanaw ka nya, naalala nya lahat ng pag aalaga nya sayo nung ikaw ay bata pa, mga ngiti mo na nag pasaya sa kanya, mga sakit mo na nag paiyak sa kanya, mga haplos na binigay niya sayo nung nilalamig ka, mga punas sa luha mo nung umiyak ka, mga pag habol nya sayo nung malikot na bata ka pa, at mga sugat mo na pinagaling niya.

Malinaw na malinaw niyang naaalala ang lahat samantalang ikaw nakalimutan mo na.

Busy ka na sa mga bagay bagay miski pag lingon sa kanya di mo nagagawa.

Ngayong sobrang mahina na ang katawan nya, madalas nag kakasakit, walang dumadating para kamustahin man lang siya, dumaan ang piyesta, pasko, bagong taon inaasahan ka nya na dumating ka, ngunit wala, sobrang malungkot ang naramdaman niya.

Huwag mo siyang kalimutan, pahalagahan ang bawat oras na pwede mong ibigay sa kanya, dahil nasa huli ang pagsisisi.

“Kailan ba namamatay ang isang tao? kapag nabaril siya sa puso? hindi, kapag inatake siya ng malalang sakit? hindi, kapag hindi na kaya ng katawan niya? Hindi pa rin, ang isang tao namamatay kapag ang mga taong mahal niya nakalimutan na siya.”

Habang buhay pa siya at malakas pa wag mong hayaan na maramdaman nyang nakalimutan mo na siya, dalawin mo siya, kamustahin, tabihan, yakapin, ibigay ang kahit anong bagay na kaya mong ibigay kahit isang beses sa isang linggo, sa ganitong paraan mapapasaya mo siya sa at mapaparamdam mo sa kanya na mahal mo siya.

Kung dumating man ang panahon na wala na siya wala kang pagsisisi, masaya ka hindi dahil wala na siya kundi dahil napaligaya mo siya at nabigyan mo siya ng kasiyahan, pagmamahal at magagandang alaala.

Siya si Mama Lyn, asawa ng aking Tito Enteng, wala silang anak at mga senior citizen na, siya ang nag alaga saakin noong early elementary days ko, ininuring nya akong anak at itinuring ko siyang aking ina. Maraming salamat sa kanya

Care to share your childhood stories with your babysitter or the one who took care of you when you were little? Tell them “Thank you.”