Abot-Kamay PH: Ang Simula

Handa ka na bang maging tulay sa paghatid ng kalinga?

Tara na’t sumama sa “Abot-Kamay PH: Ang Simula” sa darating na Agosto 15, 2020 mula 6:00 PM hanggang 8:30 PM.

Abot Kamay Event Poster When in Manila

Sama-sama nating alamin at unawain ang Abot-Kamay PH at ang mga layunin nito. Makilahok din sa talakayan patungkol sa kahalagahan ng kabataan sa ating bansa at lipunan kasama ang mga respetadong personalidad na sina Ms. Samira Gutoc, Dr. Gia Sison, at Ms. Billie Hakenson.

Magkakaroon din kayo ng pagkakataon na makilala’t makipagkulitan kay Ynnang Bayan – isang content creator sa YouTube. Maghahandog din ng special performance ang bandang Purples N’ Oranges at si Sean De Guzman ng Clique 5. Bukod pa rito ay maari rin kayong manalo ng cellphone load, Spotify at Netflix Premium Account sa aming games and giveaway.

Ano pang hinihintay niyo? Halina’t makisaya sa “Abot-Kamay PH: Ang Simula” na mapapanood sa aming official Facebook Page, Abot-Kamay PH, via Live Streaming. Saan ka pa? Natuto at nanalo ka na, makatutulong ka pa! Kaya tara na at sama-sama tayong maging tulay sa paghatid-kalinga!