A Spoken Word Poetry for OFWs by an OFW

Many Filipinos are trying to make ends meet by working double-time in their local jobs. How about those who have chosen the greener pastures, away from their families and the very land they call their home, though? Have you ever wondered how they survive the hardships, demands of their jobs and the homesickness?

My friend Angelica Anzures perfectly sums up the life of an OFW through her inspiring and tug-at-your-heartstrings poem dedicated to fellow Overseas Filipino Workers. Read it here:

“Pandarayuhan”

Kasabay ng paghalik ng pakpak ng eroplano sa himpapawid,

Ang pag-asang may naghihintay sa pagbabalik.

Bitbit sa pag-alis mga pangarap,

Umaasang unti-unting matutupad.

 

“Aalis ako.” Dalawang salitang nabuo buhat sa ilang buwang pag-iisip.

Dalawang salitang nabuo base sa pagdedesisyong ilang tonelada ang bigat sa dibdib.

Dalawang salitang napakaraming isina alang-alang para maisa katotohanan.

Dalawang salitang binitawan para sa milyon-milyong agam-agam.

 

Hindi mo sinisisi ang bulok na sistema ng bansang iyong pinagmulan.

O ang mga buwayang hilig i-almusal ang kaban ng bayan.

Dahil alam mong may sari-sarili tayong dahilan ng pag alis sa sariling bayan.

 

Sino ba naman ang gustong mamatay na dilat ang mata?

O mga anak na hindi tapos sa eskwela?

O di kaya’y makaraos mula sa buhay na pinagmulan nila?

Sino ba naman ang walang pangarap para sa pamilya?

 

Ilang oras din ang pagkakaupo mo mula sa malamig at malambot na upuan ng eroplano.

Tinatalo ang komportableng paligid ng kaba sa dibdib mo.

Hindi maiwasang isipin kung ano ang dadatnan mo.

Kasing giliw ba sila ng mga Pilipino o tulad sa mga nababalitaan mo?

Untitled 15

May nagsalita mula sa mikropono.

Eto na! Lalapat na sa lupa ang ibong sinasakyan mo.

Pilit na ngiti ang isinalubong mo sa lupang hindi pamilyar sa’yo.

“Ok! Andito na tayo. Wala ng sukuan. Kaya mo ‘to!” Kumbinsi mo sa sarili mo.

 

Tiwala sa Maykapal at pag-ibig sa pamilya ang tanging tangan-tangan mo.

Maswerte ka sa lugar na napuntahan mo.

Hindi tulad ng iba pinagmamalupitan ng amo.

 

Ilang araw na ang lumipas,

Hirap ka na sa pag a-adjust.

Pero hindi naman talaga ‘yon ang problema,

Kundi ang pangungulila mo sa kanila.

 

Pananabik sa mga yakap at halik nila.

Napapailing ka na lang at kasabay ang malalim na buntong hininga.

 

Buwan na ang lumipas,

Kung maari lang hatakin ang oras.

Di alintana ang pagod at hirap,

Dahil sa bawat perang iyong pinapadala,

Di masukat ang ngiti mula sa kanila.

Di maipaliwanag na saya ang nadarama.

“I miss you dadi.” “I miss you mama” Walang katulad na bitaminang nagpapalakas sa iyong resistensya.

At sasabayan pa ng “Mahal kita!” mula sa iyong asawa, Oh kay sarap sa tenga!

 

Taon na ang lumipas.

Bigla ka na lang nakaramdam ng paghihirap.

Pakiramdam mo’y biglang bumigat.

 

Wala namang paglalakbay na hindi dinadaanan ng unos.

Wala namang determinasyon na hindi sinubok.

Nagsimula ka ng gumawa ng mga tanong, “Hanggang kailan pa ba?” “Uuwi na ba?” “Kakayanin ko pa ba?”

 

Kaibigan! Isa lang ang kasagutan sa iyong agam-agam.

 

Kasing lapit ng tuhod at sahig.

Lumuhod ka’t sa Kanya ay kumapit.

Lakas at kapanatagan sa puso ay iyong makakamit.

 

Kasabay ng paghalik ng pakpak ng eroplano sa himpapawid,

Eto ka at nagbabalik.

rtr4lhc8

Dala-dala ang mga pangarap na natupad.

At ang pangakong iyong tinupad.

Oras na lang at magiging katotohanan na, Mga imahinasyong yakap at halik nila.

Oras na lang at makakapiling mu na, Ang nawalay na pamilya.

Oras na lang at lalapag na ibong naglayo sa’yo mula sa knila.

 

Masayang ngiti ang isinalubong mo sa lupang pamilyar sa’yo.

Unti-unting kumawala ang mga luha mo ng makita mo silang nag aantay sa’yo.

“Mga mahal ko, andito na ako.” Mahigpit na yakap at mainit na halik ang isinalubong mo.

 

Nilibot mo ang mata sa paligid,

Kinilala ang hanging minsan nawaglit.

Sa wakas eto na ako,

Parang kahapon lang ng nawalay sa’yo, Oh bayan ko!

 

Angelica Anzures is a domestic helper in Saudi Arabia. She plans to come back to the Philippines for good soon.