READ: An Open Letter to a Cheating Ex (You Might be Able to Relate)

People all over my timeline are currently sharing this open letter to an ex by Kim Ilagan because of how much they can relate to it. It’s quite long and full of hugot, but if you’ve ever been cheated on then you might want to read through it and see if you can relate to it, too. After all, it’s nice to know that you’re not alone in feeling this way sometimes…

Dear ex,

Una sa lahat sorry kung sumuko ako. Napagod n kasi ako. Sa dami ba naman ng pinagdaanan ko sayo. Almost 3 years oo nag tiis ako na 1 week palang tayo nun niloloko mo na ko. Na 2 months palang may babae kana . Dalawa un isang sexy isang sabi mo sikat..

Pasensya kana nung time na sinabi mong nasugod ka sa hospital umabsent ako para lang puntahan ka pero pag dating ko dun wala ka pala . Pasensya kana kung nung sabi mo wala kang pera at di ka pa nag di dinner dinalhan kita ng pagkain, pero 2 hours na ko sa kanto nyo wala ka parin tapos pag tawag ko un pala may kasama kang babae kaya sya ung nakausap ko kasi nag cr ka daw. Pesensya kana kung para sayo d ako nag review ng midterm exam mabantayan kalang dahil may sakit ka, pasensya kana nung nakita kitang may inaakbayang babae sa bar tapos kinaladkad moko nung nakita mo ko ha, pasensya kana kung sinuntok mo ko sa harap ng barkada mo iniwan moko sa kanila un tapos sinabing “ingat ka pag uwe mo sana masaksak ka!” Pasensya kana ha nung ako ung may sakit wala kasi nasa bar ka kasama ung barkada mo, pasensya kana ha kung may ibang babaeng tumawag sayo nung nasa bus tayo , pasensya kana ha kung nung nag allergy ako tapos masama ung pakiramdam ko , naka 100+ ata ako na misscalls sayo nun d mo sinasagot tapos pag dating mo nagagalit ka sakin kasi sabi naholdup ka nag report pa kayo sa may commonwealth grabe ang tagal nun 9 hours kayo nagreport?

Pero alam mo inintindi ko kahit na amoy babae at may lipstick ung damit mo tapos nung tinanong ko sa kakilala ko kung may nag report nga ba ng naholdup wala naman daw record tapos salamat kasi inamon mo n hindi totoo un., pasensya kana ha kung nung nagreklamo ako nasampal mo ako , pasensya kana kung nagiging demanding ako sayo na samahan mo ko na sunduin mo ko kung ok lng pero alam ko inis n inis kana, pasensya kana kung nung minsan natakot ako dun sa lalake kasi 7 times ko syang nahuling tumitingin sakin kaya sinabi ko sayo, nagalit ka kasi sabi mo legs ko labg naman ung tinitignan nya kaya hiniling ko sayo na kung ok lng bang harangan mo ako at akbayan kasi natatakot ako , pasensya kana ha kung di nase secure ung feelings ko kasi naman wala tlga ako makapitan kundi ang mahal kita, pasensya kana ha kung nung minsan nahuli ko n dalawa pala ung phone mo sabi mo pang chix lang ung isa na ako talaga ang mahal mo, pasensya , pasensya kana kung iniwan mo ko sa mall kasi nawala ako sa mood nung punit ung pera na nilabas ng atm machine kaya hindi kita naibili ng vape, pasensya kana kung gusto kita makita at makasama ng madalas sayo kasi umikot ang mundo ko eh , pasensya ka narin kung hindi ko ginamit pang down ng motor mo yung kinita ko kahit na paulit ulit mong binabanggit sakin na gustong gusto mo ng Yamaha RS kasi sabi mo un ung gagamitin mong pang sundo sakin pag may event ako eh at lagi mo akong pupuntahan kaya lang ginamit ko kasi pang bayad ng tuition ko kaya pasensya kana, pasensya ka narin kung sobra akong nasaktan ha , nung nalaman ko na may isa ka pa palang girlfriend yung nakilala mo sa bar na sexy? Nasaktan kasi ako ng sobra nun nung nalaman ko na dinala nyo sa bahay nyo para ipakilala sa mga kapatid at pinsan mo tsaka pasensya na rin ha kung nakalbo kita kasi sobrang sakit lang sakin ng malaman ko na may nangyare sa inyo sorry, pasensya ka na rin pala kung nasigawan kita kasi halos gumuho ung mundo ko ng mabasa ko ung mga messages nyo sa cellphone mo ng di lang benteng babaeng kalandian at nakakainuman mo , pasensya ka narin pala kung kahit girlfriend mo ko bigla kang nagiging single gusto ko sanang intindihin kung bakit kailangan iba ung babae sa office iba ung chix at iba ung mahal

naalala ko tuloy nun nung isang sem d ka nakapagenrol kami ng mga kaibigan mo naging sandalan mo tapos may bagyo nun bumili kami ng pag kain natin para sa araw na un tapos nagali galit kapa samin kasi nga pancake lang ung niluto namin para sa breakfast tapos ikaw nag se cellphone sa taas , nagalit ka nun ng sobra kaya ayaw mo kumain pasensya kana nun ha hindi namin agad naluto ung paboroto mong sinigang para kasi sa tanghalian un eh tsaka pinapakuluan p namin ung baboy nun kaya ayun.

pasensya kana rin pala kung nung umuwe kami nun tapos d ko nabili ung text mo na choco mucho di ko kasi nabasa kasi naiwan ko yung phone ko , pasensya kana kung nangarap akong ikaw na talaga , pasensya kana ha kasi ngayon sumusuko na ako frown emoticon dati kasi umaasa ako na one day mag babago ka , na baka isang araw magising akong ituturing mo na akong prinsesa , i se secure mo na yung feelings ko , papahalagahan mo na rin ako at irerespeto, na isang araw proud kana sakin na ipopost mo ako ng hindi ko kailangan hilingin sayo or sabihin sayo or yung tipong ako mismo ung nagpopost ewan ko ba kasi kung bakit ayaw mo ng nagpopost at ayaw mong ipost kita pero inintindi ko kasi sabi mo gusto mo ng private na relasyon, nahihiya nga ako sayo sayo kasi pinakilala kita sa family ko eh close pa naman kayo, mas pinaniniwalaan k pa nga nya kaya pasensya n nagsinungalin kapa.

sorry ha kung ngayon sabi mo magbabago kana tlaga pero di kita mabigyan ng sampung pagkakataon kasi alam mo ang sakit sakit na, sa bawat pag asa kong mag babago ka mas pasakit ng paskit ung kasalanang nagagawa mo, im sorry kung dumating sa point na hindi n ako ung kim na sinasabi mong kahit galit isang tingin mo lang ngingiti na, im sorry kung this time isip ko naman ung sinunod ko kasi sa sobrang durog n ng puso ko wala n kong maramdaman, ni pati sarili ko nakalimutan kong mahalin, sorry nga pala ha kung wala akong gift last christmas tapos sabi mo ikaw meron, sorry gift ko nalang sayo ung utang mo sakin kasi dba d mo pa naman nabayaran lahat kaya ayun pasensya kana kung un lang,

mag iingat ka palagi ha , isa lang hihilingin ko sayo sana sa susunod na mag gi girlfriend ka sana ituring mong prinsesa , iparamdam mo lahat ng pag mamahal na maswerte ka ung punong puno ng respeto, tsaka nga pala pasensya kana ha kung habang tumatagal sabi mo papangit ako ng papangit, at pasensya kana kung average lang ung itsura ko kapag wala akong makeup. sorry ha kasi kahit anong gawin ko d ako naging sapat sa isang katulad mo, sorry kung sa bawat pang da down mo sakin tinataas pa rin ako ng Diyos sa kanya kasi ako kumakapit , at pasensya kana ha kung may mga bago akong naging kaibigan ngayon kung saan nasasandalan ko pero hindi ibig sabihin nun na malandi na ako.

TANDAAN MO LUMABAN AKO HANGGANG HULI KAYA LANG SA BAWAT PAG KAPIT KO GUMAGAWA KA NG PARAAN PARA BUMITAW AKO 🙁 HINDI HABANG BUHAY TANGA AKO NA KADA PAG KAKAMALI NYA AT SUSUYUIN AKO MABABALIKAN NYA AKO , and one thing, HINDI KO KASALANAN NA NAKAYA KO NA WALA KANA KAYA WAG MO ISISI SAKIN NA GABI GABI KANG UMIINOM DAHIL WALA N AKO SAYO

P.S pasensya ka na rin pala kung ako ung mine message ng mga nilalandi mo ngayon sa fb at kinoconfirm kung wala n nga ba tayo kasi daw kinukulit mo sila sinabi ko naman na wala na tayo pero di ko maintindihan kung bakit ako pa rin ang sinasabihan mong malandi kasi may bago akong naging kaibigan.

Ayoko na sanang ipost to, pero di ko na mapigilan magsalit! Yung mga totoong nakakakilala satin? Saksi sa pahat ng mga ginawa mo sakin, d ko na mapigilan pero kasi sumusobra kana ung balaan ako n sana kunin ako ni lord kasi ayoko ng bumalik sayo? Ganon ko ba hindi deserve maging masaya? Kulang pa ba lahat?

Ouch. 🙁 Is there anything that you would like to say to a cheating ex?