Lagim: Mga Kuwentong Horror

Sa panahong binabalot ng kadiliman ang lipunang ating ginagalawan, kanino nga ba tayo dapat matakot: sa mga kaluluwang hindi matahimk o sa mga taong may kakayahang magpalaganap ng karahasan? Sino nga ba ang tunay na multo? Ano ang pinagmumulan ng takot at pangamba? Hindi kathang-isip ang dapat katakutan, bagkus, ang mga tunay na kaganapan ang pinagmumulan ng pangamba. Lahat tayo maaaring maging biktima. Maghanda. Makialam.

Samahan ang mga manunulat ng Praxis Literary Collective sa kanilang paggalugad sa mga kaganapan sa Republika Ng Patayan at ang hatid nitong katatakutan.

Tunghayan ang LAGIM – isang dulang may isang yugto hango sa mga tula ng Praxis Literary Collective. Sa Direksiyon at Punong Panulat ni Jay Crisostomo IV at panulat nina Justin Ayran, Ian Sudiacal, at Chubibo Mondejar, na may karagdagang panulat nina Jerome Almanza, Mitch Anadia, CJ Maramara, Mattheus Mopera at Sergio Arguilla.

Ang LAGIM ay magaganap sa darating na Oktubre 27, 2017 sa ganap na 7PM at Oktubre 28, 2017 sa ganap na 5PM, sa DITO: Bahay Ng Sining, J. Molina St. Concepcion Uno, Marikina. Mabibili ang ticket sa halagang PHP250.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa ticket, magpadala lamang ng mensahe sa 09262603969 o 09154738536 o sa pahina ng Praxis Literary Collective (https://facebook.com/praxislit/).






Related Stories